091510

Isa sa mga pinaka-nakakainis na eksena sa dyip. Yung halos puno na, tipong dalawa na lang ang bakante pag siniksik ang pasahero sa look. Tapos may sasakay, yung mga tao umuusod malapit sa pintuan para dun maupo sa pinakaloob yung papasok na pasahero.

Umaandar ang dyip habang naglalakad sa aisle papuntang upuan ang pasahero, kinakapa ang kapitan sa bubong ng dyip. Kung sa ibang tao, nakakaasar ang ganitong eksena, pwes sakin doble. Madali akong mabuwal, parang mas malakas ata ang hatak sakin ng gravity. Madalas muntikan akong madapa o kaya'y sumasadsad sa upuan.

Popular Posts