091710

Sa dyip papasok sa trabaho...

Babae sa aking left side: Bayad po pakiabot.
Lalake sa aking right side: (Inabot ang pera) Bayad daw oh, pangalawa sa dulo!
Ako: (napatingin sa lalake, iniisip kung kasama ba ito ng driver, baka nagtitingin kung sino ang hindi magbabayad)
Babae sa kabilang side: Bayad!
Lalake sa aking right side: Bayad daw pang-anim! (umusog paharap sa inuupunan at pinagdadampi ang mga palad)
Ako: Ang weird naman nito. Bayad po pakiabot.
Lalake sa aking right side: Bayad daw pangatlo sa dulo!
Ako: Oh shit, ano to. (sinukbit ang strap ng bag sa balikat) Hindi kaya holdaper to? Wag naman kasi may dala akong laptop. Sana bumaba siya sa Shopwise.
Lalake sa kabilang side: Tabi lang!
Lalake sa aking right side: Para! (at saka bumaba kasabay ng mga anim pang pasahero)
Relieved.

Popular Posts