Ang Isa Pang Diwata

Binabasa kita. Malalim ka rin pala. Akala nung una'y puro usok ka lang. May apoy palang pinanggagalingan.

Binabasa ko. Ang iyong sulat para sa'yong diwata. Napakapalad niyang nakabihag sa'yong puso. Napakaganda niya siguro.

Binasa kita. Nagpatihulog sa'yong mga salita. Dinala sa alapaap ng mga pangungusap. Bumulusok kasabay ng bawat talata. Lumutang kasama ng huling letra. Natuwa. Nalungkot. Nahulog.

May isang diwatang hindi mo pa nakikilala

Popular Posts