Panagbenga Blues

Ayos maglakad-lakad sa Session Road ngayon, at mag-spot ng mga tunay na celebrities.

Mula pa kagabi, all roads lead to Baguio. Kaninang umaga kasi ang Grand Float Parade, isa sa mga highlights sa pagdiriwang ng Panagbenga Flower Festival. Andaming celebrities na nagtu-tweet na papunta na silang Baguio.

Wala lang, natuwa lang ako kasi. Kung nasa Baguio pa ako, malamang ito na naman pinagkaabalahan ko, ang mang-spot ng celebrities.

Sa apat na taon ko sa Baguio, isang beses palang ako nakanood ng Panagbenga Streetdance at Float Parade, yun ay nang minsang inumaga na ako ng uwi galing sa inuman, so pag-uwi ay mapapadaan talaga ako at ang mga kasama ko sa Session Road. Kaya nag-decide na kami nun na manood na lang. Yung ibang pagkakataon na nasa labas ako sa mismong araw ng parade ay 1) dahil gusto naming (housemates) kumain sa labas, ito ay isang disaster na experience na forever kong maico-connect sa Panagbenga 2) nung dapat ay magvo-volunteer kami (APO) bilang marshalls, nagkaproblema dahil wala kaming festival ID. Yung ibang pagkakataon, nasa bahay lang ako at sa TV nanonood. Kung tutuusin mas maganda pa nga manood sa TV kasi kitang-kita lahat ng anggulo, kumpara sa kung nakapwesto ka sa Session, iisang anggulo lang, yun nga lang malapitan.

Kahit sinong taga-Baguio or tumira sa Baguio, malamang iisa lang ang sasabihin niya, Panagbenga ang panahon kung kelan maganda bumaba, umalis muna nang Baguio. Pano kasi, Panagbenga=Baguio  na masikip, madumi at mainit.

Sa sobrang dami ng tao, parang lahat ata ng turista nagsiakyatan. Minsan nga naisip ko, pano na lang pag tinarget ng terorista ang Baguio pag Panagbenga, eh di wala na, malaki nang nabawas sa populasyon ng Pinas. :p

Sa sobrang dami ng tao sa bandang Central Business District, ang init-init rin dun. Para ka lang din nasa baba. Ang downside pa ng Panagbenga, sobrang daming basura din sa Baguio pagkatapos ng selebrasyon.

Tuwing Panagbenga nun, lumalabas lang kami ng mga friends pag gabi, kasi may mga concerts at kung anu-anong pakulo sa Session at Burnham. Marami pa rin tao, pero hindi na siksikan sa daan tulad ng pag sa parade.

May one time na pinalabas ang Phantom of the Opera, ang stage ay sa gitna ng Burnham Lake, so tinawag itong Phantom of the Lake. Ewan kung sinong nahila ko nun para manood dahil mahilig talaga ako sa play tapos may twist pa yung Phantom! Daming lovers syempre sa Burnham, pang-lovers kasi talaga yung programme.

Isa pang memorable Panagbenga moment ay nung minsang napadaan ang Kamikazee at nag-hi si Jay Contreras samin. Naglalakad kami ng friends pabalik ng dorm, bandang UP Drive (hindi pa UP Drive ang kantong yun, sa tapat ng exit gate ng UPB) tapos dumaan yung van nila, nakabukas yung mga bintana tapos sumigaw ng "Hi!" si Jay sabay kaway, yung ibang ka-banda niya ay nakadungaw din sa binatana at nakangiti. After mag-register samin na Kamikazee pala yun, starstruck kami syempre. :D

Yung nabanggit ko sa taas na disaster Panagbenga, sa Sta. Escolastica ata ako nakatira nun, tapos napagtripan naming housemates na kumain dapat sa Manang Pats (Kislap). Apat kami, tapos nung nasa overpass na kami sa Harrison, nagkahiwa-hiwalay na kami, dalawang grupo, tig-dalawa. Kami ni Lian, nakasurvive hanggang Manang Pats while yung other two ay sa McDonald's na napadpad. Nagkahiwa-hiwalay kami habang tumatawid lang sa overpass. Sa dami ng tao.

Yung volunteering gig naman namin na napurnada. Project kasi dapat yun ng batch ko sa APO, inasikaso ko kasi medyo gamay ko na nun ang kalakaran sa festival, at ang office nila ay nasa conve lang so nakausap ko na yung mga dapat kausapin, pero akala ko lang pala yun. Ang main contact ko kasi nun ay yung brod na Chief of Police ng Baguio, sa kabusy-han siguro nakaligtaan niya kaming pagawan ng festiva/marshalls ID. So  hayun, andun kami, tropang-APO, nag-aantay ng trabaho pero hindi rin pinayagan. Sayang, pagkakataon na sana namin mapanood ang parade nang malapitan. At magandang exposure din para sa APO yun. Kumain at nagsiuwian din kami agad. Pagkauwi ng bahay,  nag-shot na lang kaming bitch buddies. :p

Popular Posts