Red Revolution Under the Moonlight



Last night was like college all over again. Standing midst the crowd in the grassy yet dusty grounds, with a drink on one hand while watching live bands rocking the moonlight-night away. Music. Booze. Good company. Just like the good old days.

Sounds like UP Baguio Pasiklaban in 2005 (and years before), minus the icy cold weather. Gad, what's up with this girl being nostalgic again. Pero true story, ang saya ko lang talaga kagabi. Kung pwede lang ganun na lang ang buhay.

After, some time kagabi lang din kami ulit nagkita ni Katrina, isa sa aking rocknroll friends. Napadaan lang talaga kami sa Channel V Musicfest. Sabi ko nga kasi'y wala na naman akong life kaya kelangan kong lumabas-labas kahit saglit. At tuwing magsasabi si Inah na di na daw kami nakakapag-inom, dahil nang minsang nag-aya siya'y tinatamad akong lumabas ng bahay, oo kahit pa para uminom, naks!

Pagdating namin ay set ng Paraluman at umalis kami habang tumutugtog ang Kenyo ng "Hanggang Kailan" na sinabayan ko ng, "Oo uuwi na nga kami baby, sabi mo eh." Habang binabagtas ang napakalawak na venue (konti lang kasi tao). Sarap sana mag-stay pa, marami pang bandang tutugtog, at sa tagal naming di nagkita ni Inah, siguradong non-stop usapan tungkol sa kung ano-ano lang at P25 lang ang bote ng Tanduay Ice at Manila Beer! Mehn, kaso may pasok pa ang mga corporate junkies kinabukasan. Pero ayos na din, solve na sa Urbandub.😊

Popular Posts