Wedge vs Pin Heels

Last weekend when I went to buy shoes, I noticed lots of Mom-daughter pairs buying shoes as well. I remembered it's February nga pala. Prom season. I overheard this conversation while fitting flats in Landmark.

Mom: Mamaya na yang text, pagod na rin ako gusto ko ng umuwi.
Daughter: Eh tinatanong nga kung anong gusto natin ulam.
Mom: Di ka kasi makapili. Eto try mo (gives daughter a pair of silver shoes). Ilakad mo nga. Tingnan mo dun sa salamin.

A little later, they asked the saleslady for a smaller size of the shoes.

Mom: Kasya yun, papayat ka pa eh.
Daughter: Sabi sa'yo wag mo 'kong pakainin nang pakainin eh.
Mom: Eh di kunin mo na lang. Kasya yun sa prom. Bagay nga sa dress.

Mom: Two inches lang yan gume-gewang ka na.
Daughter: Ma, you don't get my point, ayoko nga ng heels na mapayat, okay lang kahit mas mataas pa dito (shows her  mother a 5-inch black wedge).
Mom: Hindi ka magsusuot ng ganyan. Hindi ko bibilhin yan. Ilakad-lakad mo lang yan. Dun ka sa salamin.

Mom: Masasanay ka rin dyan. Okay yan mababa lang para kahit tumakbo-takbo ka. Yung iba mahihirapan maglakad pag mataas.
Daughter: Maganda siya pero hindi nga ako sanay sa ganitong heels.

Popular Posts