092110


Tejeron. Sakay ng dyip pauwi. Umuulan. May pumara sa dyip. Sumakay ang tatlong lalaki, sa dulo ng dyip naupo. Nag-usap.

Pagdating sa Herran, kumatok sa bubong ng dyip yung isa, at saka bumaba silang tatlo.

Drayber: Hoy bayad niyo! Hindi pa kayo nagbabayad!

Mga Lalaki: (Dedma na naglakad palayo.)

Drayber: Mga hayop na to! Bayad niyo!

May sinigaw yung isa sa mga lalaki na hindi ko na naintindihan habang nagmamumble tungkol sa bayad.

Naawa ako bigla sa drayber. Kasi'y halos wala nga siyang pasahero. Apat lang kaming nagbayad.

Naalala ko bigla yung gawain ko nun sa Baguio, either pag gipit ako- meaning wala talagang pera at tinatamad akong maglakad o pag walang barya e.g. limandaan pero ayokong mabaryahan :p- ang pagwa-*one-two-three. Dumating pa sa point na tinuturuan ko ang mga kaibigan ko kung pano ang tamang strategy para hindi mapansin na hindi ka nagbayad sa dyip. Nakakakaba sobra kasi nakakahiya pag nahuli pero ilang beses ko rin yun ginawa, sa mga dyip lang naman.

Tuwing nakukwento ko yung mga yun, may mga nagsasabi na, makonsensya naman daw ako, kesyo ang hirap daw ng buhay ng mga drayber, na nagbibigay pa raw sila ng boundary sa may-ari ng dyip (kung hindi sa kanila), na halos wala silang makuhang pasahero, na ang mahal ng gasolina. Ewan pero never ako nakaramdam ng guilt. Siguro kasi'y lagi lang ako nun naaasar sa mga swapang na driver na kahit puno na nga'y nagsasakay pa, at yung mga drayber na late na nga ang mga pasahero'y titigil pa nang matagal para mag-antay ng mga pasahero. Wala talagang epekto sa akin yung pangongosensya nila kasi iniisip ko, 7.50 lang yun. :p

Ang unang beses siguro na na-guilty ako ay nung mabasa ko yung isang strip sa Kikomachine Komiks, yung eksena sa Diliman, may sumakay na estudyante at pumara din sa di kalayuan dahil kunwari may nalimutan pero malapit lang talaga ang bababaan. At ang next na eksena, yung anak ng drayber na nasa tabi niya, nagtanong, "Tay, may pambili na po ba ako ng project sa iskul?" Drayber/Tatay: Wala pa anak eh.

Popular Posts