May mga Taong


Siguro pini-PMS lang ako dahil ang dali ko lang mairita today. Ito ay isang mahaba-habang rant.

Kagabi pa umuulan, may kasamang pagkulog at pagkidlat pa nga. Kahit gusto ko pang matulog, nasanay na ang katawan kong gumising nang medyo maaga. Alas sais y media hanggang alas siyete kung kelan tapos nang gumamit ng banyo ang roommate ko. Nauuna siya dahil may hinahabol sa oras at ako naman ay flexi akaya okay lang mag-extend ng tulog anytime.

Dahil sa ulan, ilang araw na ring nasa sampayan ang mga damit na nilabhan ko nung Sabado pa. Kagabi ay naisip kong isampay na lang sa loob ng kwarto, mas mainit so baka mapabilis ang pagkatuyo. Kaninang umaga nilipat ko na din sa loob ng kwarto yung ilan pang labada na iniwan ko sa labas. Na lalo lang atang nababasa dahil di naman natigil ang ulan magdamag. Naalala ko na naman ang Baguio dahil sa itsura ng kwarto. Sa Baguio, kung hindi tag-araw ay aabutin ka talaga ng ilang linggo sa pagpapatuyo ng labada kaya normal na eksena yung mga may sampayan sa loob ng kwarto.

Baha sa Pasong Tamo as usual. Pero nang makarating ako sa Buendia, nagsisimula nang lumiwanag ang kalangitan. Naisip ko pa ngang magiging inappropriate lang pala ang suot ko pag umaraw bigla (closed jacket at bota). Pero habang naglalakad papunta sa pinapasukan, napansin kong foggy pala, natatakpan ng hamog ang tuktok ng RCBC at PBCom. Again, parang Baguio lang. Pero ilang oras lang ang nakalipas, bigla na naman nagdilim ang paligid, at bumuhos ang malakas na ulan.

Resulta nito siyempre, mga estudyante at empleyadong nag-aabang ng suspensyon ng klase/trabaho. Sa panahon ngayon, magandang may Twitter account dahil madalas, dito pumupuputok ang mga balita, dito nauunang nag-a-announce ang mga ahensya ng gobyerno. Oo, nauuna pa kesa sa radyo o telebisyon.

Ito nga yung isyu ko. Para kasing tuwing uulan, ang mga  tao, nag-aantay ng announcement pero pag hindi nag-suspend ang mga eskwela nila, asahang ratatatatatatatatat ang reklamo, kesyo di naman waterproof ang mga estudyante, di naman invincible ang mga empleyado, at marami pang blah.

Forever reklamo. Ba't di gamitin ang free will, kung tinatamad kang pumasok dahil (1) maulan, (2) bumaha sa Espana o Marikina and other bahain places in the metro, (3) traffic at aabutin ka ng 10 years bago makarating sa pupuntahan, (4) kapag feeling mo'y mag-ca-cancel din naman eventually ng klase (99% probability), eh di wag ka nang lumabas ng bahay. Kung hindi man nagsuspend ng klase at na-miss mo ang klase, ganun talaga, dahil pinili mong wag nang makipagsapalaran sa ulan at baha.

Ako, hindi na masyadong pa-apekto sa mga ganito dahil mula nang magtrabaho ako'y naka-program na ang isip kong bumabagyo man ay may pasok pa rin.

Taga-Cagayan ako at siguro halos 75% ng bagyong dumadaan sa Pilipinas ay  dumadaan sa probinsya namin. Masipag akong estudyante noon eh kaya kahit bumabagyo pumapasok pa din ako, ganun din naman ang iba pang mga bata. Explain ko lang ah, pag nagka-signal na sa Cagayan, anytime mawawalan na ng kuryente. So hindi agad naa-update ang mga tao kung anong signal na ang bagyo at kung dapat pa bang papasukin ang mga bata. Kaya madalas mangyari sa amin yung nasa iskul na at saka lang papauwiin ang mg bata dahil tumaas na pala ang signal. Pero hindi mareklamo ang mga tao. Kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos ng bagyo (bales in ilocano, balo in ybanag, yung malakas na part ng bagyo) required kaming pumasok para linisin ang iniwang kalat ng bagyo. Ganyan ang buhay sa public school.

Sa Cagayan tuwing malakas ang bagyo, bihira lang ang tao o sasakyan sa labas dahil (1) may mga nagliliparang yero, (2) maraming nabubuwal na puno sa labas at  (3) delikado dahil sa mga naghuhulugang buko (yun ay kung may niyo malapit sa bahay niyo). Pero tunay, ang mga taong makikita mo lang sa labas ay yung mga papunta sa tindahan o palengke para bumili ng pagkain.

Nag-aral din ako sa Baguio. Gulat din ako nung unang Hunyo ko doon. Kung makaulan parang wala nang bukas, may bagyo man o ordinaryong araw lang ng tag-ulan. Hindi advisable ang folding na payong, lalo na yung 8-ribbed. Ilang gamitan lang yan. Kung gusto mo talaga ng folding, bumili ng matibay-tibay na brand, Fibrella ganyan. Pero may mga panahon pa nga na bumabagyo sa Baguio pero lumalabas pa din kami ng mga kaibigan ko, lalo ana nung malapit sa SM o town ang tirahan ko. Pano kasi'y may mga times din na halos delubyo na sa labas pero tuloy pa rin ang klase sa UP. Partida, malamig pa ang klima doon.

Ang isyu ko lang anman ay ang nakakairitang reklamo. Forever reklamo. Bakit di pa nag-ca-cancel  ang CHED, ang dean, etc. blah. Bakit invincible ba ang mga private employees blah. Base sa experience ko, kumpara sa bagyo sa Cagayan o Baguio, wala patong mga bagyong nararanasan natin dito sa Kamaynilaan. Lakas ng ulan, hangin, pffft wala yan! Isipin na lang ang mga tumatamang bagyo sa Bicol, Samar at iba pagn bagyuhing lugar sa Pinas. Ang pinakamalaking isyu naman talaga ay ang baha. Na kasalanan na ng tao at hindi ng nature.

Ayon nga sa isang chos na status sa Facebook: ‎"Hindi hawak ng CHED ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong FREE WILL. Gamitin natin ito."

Popular Posts