Pandesal

Kung bakit ako kumakain ng malamig at matigas na pandesal.

Alas dyes na, andito pa rin ako sa labas. Gusto ko nang umuwi. Sana gising pa ang mga kasama ko sa bahay dahil wala akong susi. Paglabas ng isang shop. Nakakita ng net cafe. Pasok. Magnenet na lang kahit walang importanteng gagawin. Maghahanap na lang ng trabaho sa internet!

Naglakad-lakad. Napadaan sa isang tindahan. napansin ang mga tsinelas na nakadispley. Pumasok. Nagsukat ng mga tsinelas. Tamang-tama dahil tag-ulan. Para may maisuot kapag basa ang mga sapatos. Hindi na gaanong pumili. Basta kasya, sige okay na.

Nasa isang bakeshop ako. Mag-isa. Nang bigla na lang may lumapit sa akin. makikipagkilala daw. Di ko pinansin. Nagpakilala nga. Umalis ako. Lumipat sa ibang upuan. Nakakatakot eh. Nakita ako ng isang sis. Kumustahan. Di ko na naituloy ang pagkain ng pandesal. Maya-maya'y nilisan ang bakeshop.

Popular Posts