Saan Pwedeng Magsanla ng Kaluluwa?

Saang pawnshop ba pwedeng magsanla ng kaluluwa kapalit ng isang bagay?

Kasi ako willing magsanla ng kaluluwa kapalit ng pagyaman ko in the next 50 years. Kung ang kapalit man nito ay mapupunta ako sa impyerno, bring it on. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang meron sa impyerno.

Kung ibabase sa mga nababasa sa mga libro, naririnig sa mga tao at nakikita sa telebisyon, maituturing na rin namang impyerno ang buhay kapag mahirap ka na nga, pinahihirapan ka pa, sa iba't ibang aspeto ng buhay.

Naalala ko dati, may isa pang bagay na willing akong ipagpalit sa kahit anuman.

Magi-grade 5 ako nang una akong datnan. Pero hindi ko iyon pinaalam sa mga kaklase dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko kasi'y masyadong maagang dumating sakin. Hindi naniniwala ang nanay ko sa mga prutas na pinagbabawal kapag may dalaw. Sa tiyan daw naman iyon dumidiretso, hindi sa kung san nanggagaling ang regla kaya kahit meron ako, nakakakain ako ng kahit ano. At hindi naman talaga iyon nakaapekto sa matitinding dysmenorrheang dumating sa mga sumunod na taon.

High school ako nang magsimulang sumakit ang puson ko tuwing daratnan ako. Ang sabi sakin ng mga tao, normal lang yun. Nung una'y tinitiis ko lang ang sakit, hanggang sa may nagsabi sakin na uminom ng Midol. Naging dependent ako sa gamot na yun. Dumating sa point na di na umeepekto sa akin ang isa lang. Kung hindi lang ako takot ma-overdose, gusto ko nang inumin ang tatlo nang sabay-sabay. Kung meron mang gamot na hindi maaaring maubusan sa bahay, yun ang Midol dahil alam ng mga magulang ako kung gaano ako nahihirapan at that time of the month. May time na muntik na akong magpass out. Halos hindi na ako nakauwi sa bahay mula sa iskul. Namumutla na daw ako sabi ng kaibigan ng kapait ko na nakasalubong ko habang nagmamdali papunta sa tricycle. Pagdating sa bahay, sa tindi ng sakit, yung feeling na gusto mo na lang mamatay para wala ka nang maramdaman, gusto ko na lang talagang mamatay nun. Kinuwestyon ko ang Diyos kung ba't naman sa dinami dami ng mas masasamang tao sa mundo, ako pa ang binigyan ng ganung sakit. At every month pa dumarating. Nandiyaang magdarasal ako, magppramis ng isang bagay kapalit ng paggaling ko mula sa sumpang iyon. Pero walang nangyari. Never akogn nagpatingin sa OB Gyn (?) dahil tuwing itatanong ko naman sa mga dokto, ang sinasabi nila'y normal lang, normal lang yung every month sumasakit ang puson kapag dadatnan, normal lang yung halos mamatay ka na sa sakit. At madalas irereseta pa Midol.

Sabi ko nga, ang sakit ng puson lang ang parating nagpapabagsak sa akin. Medyo mataas naman ang tolerance ko sa pain pero yun lang talaga.

May nakapagsabi sakin na nakakabaog ang Midol. Ilang taon ko rin itong ginamit pero tinigil ko dahil natakot ako. Mefenamic acid ang ginamit ko mula nun. Nung una'y okay lang, pero hindi naglaon, hindi na rin sumasapat ang isang kapsula.

Kahapon umabsent ako dahil sa sakit ng ulo. Last month umabsent ako dahil sa dysmenorrhea kaya iniisip ng mga kasama ko sa trabaho, meron na ako. Pero kaninang umaga lang dumating. After lunch ay agad akong uminom ng gamot dahil nararamdaman ko nang maya-maya'y andyan na ang bagyo.

Na hindi ako binigo. Nang hindi ko na kayang magtrabaho dahil sa sakit ng puson, iniisip ko nang magday off pero bumaba na lang ako at bumili ng gamot. Kaya pa to.

Miss may mefenamic acid kayo?

Ma'am wala po eh. Pantanggal po ba ng kirot? Try niyo na lang po yung [nagtanong sa kasama] yunn Dolfenal po ma'am.

Okay sige kahit ano na. Magkano?

12 po.

Sige isa lang. Agad kong tinignan ang generic name. Mefenamic Acid. Nakow, pareho lang pala pero yung presyo tatlong beses na mas malaki kesa dun sa binibili kong generic. Pero watevs, basta mawala lang ang sakit.

Pero siyempre hindi naman yun agad eepekto kaya ilang oras din muna akong hindi makapagtrabaho. Buti na lang at may dumaan na ex-officemate na nakipagkwentuhan at nag-games lang muna sa office kaya medyo nawala ang sakit.

Pinaalala ng isang officemate ko na isang taon na pala ako sa trabaho kahapon. Oo nga September 23 last year nang magsimula ako sa trabaho. Akalain mo yun! Umabot ako gang dito eh akala ko nun isang buwan lang ako.

Nung gabi nga'y napaisip ako. Isang taon na ako sa trabaho kanina at ang regalo sa akin ay matinding sakit ng ulo nung umaga at matinding sakit ng puson nung hapon. Happy anniversary daw. Mamatay na daw ako.

Che. May pinanghahawakan ako: ang masamang damo mahirap mamatay.

Popular Posts