John Limited Edition & Jeaneil's 24th

Nung Thursday nagkita-kita kami ng ilan sa mga kapatid ko sa APO. Kahit pa short notice, siniguro kong makakapunta ako dahil limited edition lang yung isa dun, bihira lang magpakita/magparamdam.

Pagkagaling ng trabaho, diretso agad sa tagpuan, na buti na lang ay 15 minutes away lang. Yung mga kikitain ko pare-parehong may trabaho pa nang gabing yun. Naunang umail yung isang mas maaga ang pasok. Ang mga tao mahirap nang i-BI ngayon, responsable na.

Matagal na akong hindi nagbibisyo pero hindi ko talaga maisip na heto kami ngayong lang ulit nagkikita-kita pero ang nasa harapan namin ay kape at brownies. Maya-maya'y naconvince ko rin sila na lumipat ng lugar. Sabi ko'y kahit tig-isa or dalawang boteng beer lang bago sila pumasok, just like the old times.

Sa maraming dead air kami humugot ng kung anumang pwedeng pag-usapan. Tuwing mananahimik kasi ay may magco-comment, oh dead air na naman, wala na tayong mapag-usapan, despite the fact na antagal naming di nagkita-kita. Siguro kasi'y dahil may kanya-kanya na kaming buhay ngayon, dati kasi common interests, common problems, common halos lahat (including food, gamit, bahay- ganyan kaming magkakapatid eh). Ngayon kasi, syempre, nagkaiba-iba na ng interests, may kanya-kanyang pinu-pursue, may kanya-kanyang problema. Dagdag ko pa, nagma-mature na kasi kami, kaya ganun. Dati kasi ang problema lang namin ay problema ng APO, problemang-estudyante gustong grumadweyt, problemang-estudyanteng gustong mag-enjoy, to wrap it up, ang mga problemang ito ay either, pera o exam o paper.

At bilang andun ako, syempre hindi mawawala ang tanong na, "may boyfriend ka na?" Staple na 'to tuwing kasama ako sa grupo, sa kahit saang circle of friends ko, nakakaumay na nga sabi ko. Bago pa man ako makarating sa meeting place, tinetext na ako kung ano raw ba yung dinaanan ko pa, tao, bagay o hayop. Hindi pa nag-iinit ang upuan ko nang bitawan na ang ultimate question. Eh kaso mga kapatid ko 'to, hindi yan makukuntento sa sagot na "it's my choice."
John: Ruler na lang ang straight ngayon.
Jeaneil: Nababali pa.
Ladies and gents, my siblings convincing coercing me to try getting into a same-sex relationship. Kung nung college, pinagbibintangan nila akong lesbiana, ngayon pinipilit na talaga nila akong maging lesbiana. Ganun na sila ka-desperado for me. Gusto na nila akong ibenta, ipa-raffle o kung anuman magka-jowa lang daw ako.

That night, too, I received opposing comments:
Girl na girl ka na, dati di ka nagsusuot ng ganyang shoes. 
Dati naka-shirt, jeans at sneakers ka lang eh.
Dalaga ka na! 
Ang haba na ng buhok mo! 
Iyyi: Gusto kong magpa-undercut, or side shave.
John: Oh wag kang magpapagupit ng ganun, lalo kang hindi magkaka-boyfriend!
Oh tingnan mo kasi pag-upo mo, mas lalake ka pa sakin eh.
So karamihan ng airtime ay sakin napunta dahil halos topic lagi na lang akong naka-connect. Like relationships, work, career, etc. I feel your love mga kapatid, sa sobrang concern niyo sa kalagayan ko kung pwede lang ipa-raffle na talaga ako eh. :D I'm happy yo! :)

Anyway, yun lang, birthday pala ni Jeaneil yung araw na yun, na pinipilit kong hindi, dahil alam kong April 12 ang birthday niya pero iniisip kong April 11 pa lang nung araw na yun. Happy Birthday sis! Welcome to club 24! :)

Popular Posts