Para Kanino Ka Bumabangon?

Ako? Para kay Chuck Taylor.

May time na naadik ako sa pag-u-ukay ng sapatos. Yung tipong gumigising ako ng 4:30 or 5am para sa early morning wagwagan dahi mas mura yun kesa sa night market. Ang pinaka-ayokong gawin sa Baguio ay gumising nang maaga pero at one point, may nakapagpabangon naman din pala sakin.

Pero take note, hindi ito shoes as in girly/kikay shoes ah. Sneakers at rubber shoes. Kasi pag tag-ulan  sa Baguio, you will need to have at least 3 pairs of shoes (standards ko dahil wala akong bota) at may time na hindi ako pwedeng mag-tsinelas papasok sa school at kahit pa pwede, choice ko na rin na hindi mag-tsinelas, well, dahil sa lamig.

Naalala ko lang bigla kasi, kelangan ko nang bumili ng bagong sneakers. Nung huling umuwi ako, sabi ng kapatid ko, nakakabili daw ako ng mahal na kamera pero di man lang makabili ng sapatos. Medyo sira-sira na kasi yung Chucks ko ngayon.

Nagtitingin ako sa website ng Converse, (ang totoo never pa kong bumili ng brand new, nung nasa Baguio ako, puro galing sa ukay-ukay, may one time, na medyo bago pa talaga yung nabili ko for P500 from P800 original price) at yung iba kahit halatang second hand, maayos naman, nabibili ko lang sa halagang  P150-350. Ngayon lang ulit nag-sink in sakin kung bakit hindi ako bumibili ng brand new dati. :p

Popular Posts