Thak You Rain...Almost

Muntik na akong magpasalamat sa ulan. Muntik lang. Dahil pinasaya nga ako, hindi pa nilubos-lubos.

Ganito kasi yun, bumuhos ang malakas na ulan nung pababa pa lang ako sa unang jeep na sinakyan pauwi, dala-dala ang isang bag ng groceries, takbo sa pinakamalapit na pwedeng silungan. Wala kasing dalang payong. Tumigil saglit ang ulan kaya nagkaron ng chance na makapunta ako sa sunod na sakayan. Maya-maya konti umulan na naman, nang malakas. At hindi na tumigil.

Pagbaba ko, humina lang ng konti ang ulan, pero siyempre nabasa pa rin ako. Patigil-tigil sa gilid harap ng mga tindahan. Nung feeling ko, okay naman na, at ayoko rin naman hintaying tumila, dahil di ko sigurado kung titila ba talaga or baka lumakas lalo, nagsimula akong maglakad-takbo. Then sa tapat ng isang tindahan, nakita ko si crush, pero too late na para tumigil, dumiretso ako sa katabing tindahan. Napabili tuloy ng tali ng buhok nang wala sa oras. :p

Paglabas ko ng tindahan, (ambon na lang) and then sakto, sa labas, andun si crush, may payong, at narinig ko, sinabi sa kasama niya (sumundo sa kanya, nagdala ng payong) na andun ako. Tapos, dahil mas malaki ang payong ng kasama niya, dun ako nakisukob.

Ayun, muntik na. Eh kung sa kanya ako nakisukob, todo kilig sana. :D

Popular Posts