The Jeepney Chronicles: 10.09.12

So yung dyip na sinakyan ko may music player with video sa small screen. Pagpasok ko, tumutugtog ang Gangnam Style, parody ng Bubble Gang. Pinatay ko ang mp3 ko kasi nape-penetrate din naman ng sounds ng sa dyip. Sunod sa playlist Flo Rida, tapos J.Lo, Maroon 5, One Direction, One Direction ulit. Biglang nag-Justin Bieber, kinuha ni Manong drayber ang remote at ini-skip, next, Taylor Swift, at binaba na ulit ang remote. Hindi ata Belieber si Manong. :)

Popular Posts