MKT Red Light District by Day

So nung Sunday, naligaw ako. (Although nasa kabilang kanto lang naman yung talagang pupuntahan ko.) First time kong mapunta sa parteng to ng Makati. Siguro, mga dalawang beses na akong napadaan dito, pero nakataxi ako, at gabi, kaya di ako aware kung pano yung lugar na yun sa araw.

Ang tinutukoy ko yung red light district malapit sa Makati Ave. Habang binabagtas ko yung kalye, ramdam ko na na parang may iba. Parang wala ako sa Pinas, kasi andaming foreigner. At ang linis ng kalye, hindi tulad ng mga karamihan sa mga kalye sa kamaynilaan, kapag hindi highway, madumi. Oh well, nasa Makati nga naman ito.

Mga alas dos lang yun, ang init pa sa labas, pero buhay na buhay ang mga bar at resto. Napapangiti ako habang naglalakad, paminsan-minsan napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan, kasi magkabilang side may mga resto at bar at may mga tao sa bawat establishment. May mga ibang bar na sarado, pero maya't maya may mga lumalabas na babae, minsan foreigner na lalake. So basically, buhay pa rin ang luagr na yun sa araw, wala lang ang mga makukulay na ilaw pag gabi.

Nakita ko yung building na pupuntahan ko. Tumigil ako sa tapat nito, hinahanap kung san yung shop na pupuntahan. Sa pag-aakalang baka nasa taas, tinext ko yung kaibigan ko na hihintayin ko na lang siya sa labas. Tumayo ako sa tabi ng isang babae at batang nakaupo sa naka-park na motorsiklo, dahil feeling ko safe dun. Nakita ko yung 7eleven, tumawid at dun na muna tumambay. Natakot ako baka pick-up-in ako eh. (Ang feeling ko lang, pero oo.)

Sa 7eleven, halos lahat ng bumibili at pumapasok foreigners, iba-ibang nationality, makikita mo naman sa pisikal na itsura. Yung iba may mga kasamang Pinay, yung iba parehong dayuhan, may bumili ng yosi, may bumili ng saging, may nagcha-charge, may naghahanap ng memory stick, may nagtanong sakin kung anong oras, saktong nagtext na yung kaibigan ko, andun na daw siya sa labas ng building.

Pero di ko siya nakita. Kasi naman, ibang lugar pala yung napuntahan ko, at yung building, kapangalan lang. Buti na lang isang kanto lang naman ang layo.

Popular Posts