Millionaire By 30

"The hardest period in life is one’s twenties. It’s a shame because you’re your most gorgeous and you’re physically in peak condition. But it’s actually when you’re most insecure and full of self-doubt. When you don’t know what’s going to happen, it’s frightening."
-Helen Mirren, Esquire interview, May 25, 2011

Magbe-bente singko na ah, pero kahit isang poste nung 'bahay' ko wala pa. Actually, kahit nga isang paso ng lupa pa.

Ang problema sa akin, bilang bata, sobrang mapangarapin. Andaming gustong gawin, andaming gustong mangyari.

Hindi sa masama ang pagiging mapangarapin, actually maganda nga yung pagiging ambisyoso eh, at least kahit bata pa lang, alam na kung anong gustong mangyari sa buhay. Mas mainam na yun kesa dun sa walang ka-ambi-ambisyon sa buhay. Yun nga lang, you will be prone to disappointment lang pag di mo nakamit yung mga gusto.

Andami kong hang-ups sa buhay 'no, parang mas emo pa nga ako ngayong approaching mid-20s kesa nung teenager. I did not celebrat my 24th birthday dahil ang bitter ko sa buhay. Ayokong mag-twenty four. Gusto ko na lang i-freeze muna ang buhay ko sa pagiging 23 at habulin yung mga bagay na dapat ko nang nagawa para makapg-move on na sa pagiging 24.

Nung bata kasi ako, sabi ko sa sarili, by the age of 24, dapat successful na ako sa career, by 25, may sarili nang bahay/kotse, at 30, may isang milyon na sa savings. Idealistic. I dream big, but the irony is, I'm too lazy and always settles for mediocrity.

Habang tumatanda, naiisip ko naman yung mga bagay na gusto kong mangyari, medyo imposible, lalo na sa tulad ko (na tamad), at mahina ang determinasyon.

Naisip ko lang 'to dala ng inggit dun sa isang kakilala na nakapagpatayo na ng bahay. Pangarap ko kasi talaga yun. Lumaki ako sa maliit na bahay, at hindi pa samin yung lupa. Nakalipat na kami ngayon pero di pa tapos ang bahay. Yun naman ang goal ko pero sana kasi mas malaki ang sweldo ko para mangyari yun.

Popular Posts