Room 202


Funny how a 53-second video can bring back lots of memories. Yang unang eksena sa episode ng Ina, Kapatid, Anak aired February 25, 2013, kinunan sa Breha yan, dorm para sa mga babaeng estudyante sa UP Baguio. Yung room na pinakita kay Margaux (Maja Salvador), naging room ko dati. Ang kama ko dun sa taas ng inupuan ni Margaux. Sabi nga ng isa sa mga roommates ko ako daw yung umaakyat sa hagdan. Sabi ko nga, pwede, pero naka-Chucks lang, hindi pa bota. :)

Room 202. Third year na ako nun. Room for 6. Nung una ayoko pa, gusto ko lang sana sa Room for 4. Buti na lang  maayos ang mga roommates ko, ako lang yung BI. Disclaimer: Medyo BI lang.

Too many memories, pero ang unang pumapasok sa isip ko sa 202 ay yung photocopied flyer ng isang missing na lalake. Makati talaga kamay ko nun eh, napagtrip-an naming tanggalin sa kinadidikitan nito kung san man at nilagay (nung una) sa pintuan. Pero saglit lang yun kasi bawal, tapos nilagay ko ata sa may study table. Eventually, may nakaisip na ilagay naglagay nun dun sa tabi ng mga portraits ko na nasa dingding. Nadatnan ko na lang pag-uwi ko. Di ko na tinanggal hanggang nung umalis na ulit kami sa dorm.

Ang isa pa sa mga vivid memories ko ng 202 ay yung malakas na lindol. Tanghali yun, kakatapos ko lang siguro kumain, nakatayo ako sa tapat ng desk nang biglang lumindol, napunta sa dulo yung isang chair na halos nasa kabilang dulo din na desk. Kaya ko naisip na malakas yung lindol. Nung hapon na yun, na-suspend lahat ng klase sa UPB at kinailangan kong magsimba dahil the night before nun, nagbiro ako na kung walang pasok kinabukasan, magsisimba ako.

Which leads to the next memory. Sa room na yun, lahat ng roommates ko lumalabas tuwing Sunday, nagsisimba. Ako lang naiiwan. Tuwing lumalabas sila binibilinan ko na lang na ipagdasal na lang ang kaluluwa ko. Dati pa kinatatamaran ko na talagang magsimba.

Demonya talaga ako. Kasi dito rin pala yung time na nakasagutan ko yung mga nasa kabilang kwarto. Di ko na maalala kung anong pinagmulan ng away, siguro ingay, baka maingay kami tas nasabihan tas di kami nagpapasaway. So yun, sagutan. Ngayong iniisip ko na yun. Tarantado talaga ako. Kasi mga kaibigan ko din yung mga andun, at leat yung 2 --yung isa naging roommate ko at yung isa naman roommate ng friends ko at halos dun na kami sa kanila matulog nung first year. Pero pagkatapos naman ng sagutan nun, narealize ko na parang may nagbago sakin. Palibhasa kasi nung first year sa Breha, tahimik lang talaga ako, freshie eh. Parang wala ka pa masyadong say sa mga bagay-bagay. Eh nung bumalik ako, upper class na ako, matapang na. :p

Also, according to Karen, dun pala naganap yung parody ko ng "Umbrella" music video ni Rihanna. Kasi may time na nahumaling ako sa malalaking payong, yung hindi folding, tapos sa sobrang tuwa ko sa payong, gusto kong gumawa ng video. Laking pasalamat kong di pa masyadong uso ang YouTube nun. Di na nakalabas yung kalokohang iyon.

Hay, memories, memories! Buti na lang aakyat akong Baguio this weekend! Magpi-picture ako sa harap ng Breha, haha!

Popular Posts