Pateros

Kahit di ko pa nararating ang Palawan, nakapunta naman na ako ng Pateros! Haha! Leveling! Pero totoo yan, genuine ang saya ko dahil sa wakas nakatapak sa ako sa lugar na 'to na dati kino-consider kong 'mythical' place lang. Alam mo yung mga lugar na lagi mo lang naririnig pero di mo pa nakikita o napupuntahan. Pwes, isa na naman ang crossed out sa bucket list ko.


Oha, Christmas is in the air pa rin sa Pateros! 


Gabi nga lang yung punta namin dito, at di kami nakapaglibot/nakatambay sa centro nila. Sumunod lang kasi kami para manood ng basketball game ng mga kasamahan namin sa trabaho.

Nasa bucket list ko yan, seryoso, kasama ng Star City, Paco Park, La Mesa Ecopark at Gubat sa Ciudad. Yung iba ang lalapit lang sakin, pero sa di malamang dahilan, di ko man lang mapuntahan.

Di ako nakakain ng balut, pero sa susunod talaga. At mamamakyaw din ako ng alpombra.

Dahil sa Pateros, ikaw ang boss! Mas na mas, Pateros!

Popular Posts