Businesskid

I just realized, I was more successful as a kid compared now as an adult.

When I was in 2nd or 3rd grade, I used to sell chicheria to my classmates. Ilang piraso lang naman. I have this small brown faux leather bag that can contains maybe 5 pieces of junk food priced P1 each. Oo, marami pang food noon na nabibili ng piso. It started maybe when I used to bring chicheria for baon.

Probably my classmates saw my food and liked it so my closest friends started ordering. Although I just bring with me 5-10 pieces. Marami na nga yung 10 eh. I can't bring too many kasi kukumpetensyahin ko na ang mga teachers canteen, and it was not legit. 

We used to have a sari-sari store, that I started out. I can't remember how old I was but I can proudly claim it all started with the young me. It was most definitely a summer and I was bored. I started with a P200 capital. I got the money maybe as an aginaldo or from my alkansya. I used the money to buy several packs of chicheria that sells P1 each. Sa isang pack meron akong P2-5 na kita. Madalas, naglalakad lang ako nun papuntang palengke para tipid din sa pamasahe, magaan lang naman yung mga bitbit ko.

Bata din ako nun, kaya alam ko kung ano yung mga mabenta sa mga bata. Madalas patok yung mga binebenta ko noon. Ubos agad. Dahil mabenta yung mga pagkain, (I would run to the market up to twice a day to buy my paninda), mabilis akong kumita ng pandagdag sa puhunan. So dumami nang dumami yung paninda ko. Eventually, yung bintana sa harap ng bahay namin ay ginawa ko nang tindahan. Dumami ang nakasabit, dumami ang mga garapon ng kendi. Di ko lang kung paano, basta naalala ko na lang malaki na ang tindahan namin, isa nang tunay nasari-sari store at hindi na akin ang puhunan. Di ko nga maalala kung saan ko nilagay yung original na puhunan. Sana pinambili ko ng damit. :p (Mabait akong bata at hindi demanding. Pag sinabihan ako nun na walang pambili ng bagong damit, okay lang sakin.)

Tapos nagkaron na kami ng kiosk ng Pepsi sa tapat ng bahay. Then may nag-offer sa nanay ko na patakbuhin yung carinderia at sari-sari store sa tapat ng noo'y ginagawa pa lamang na Petron. Bahay din yun kaya madalas doon na natutulog yung mga magulang ko. Ako nun ay madalas umuwi pa rin pero pag walang pasok, andun kaming lahat, katulong sa everything.

Going back to that time, I realized mas malakas pa ang loob ko nung bata ako. Gusto ko pa rin nga sarili kong business at naniniwala akong mangyayari din yun. Kelangan ko lang bumalik sa kung anong iniisip ko nung maisipan kong magbenta ng mga tigpi-pisong pagkain sa mga bata sa kapitbhay.

Popular Posts