Estranghero

Hindi ko na maalala ang iyong mukha. Ikaw na dati'y siyang unang nakikita pagkagising sa umaga. Hindi ko na maalala kung ano ang iyong hitsura. Ikaw na dati'y memoryado ko ang lahat ng detalye sa mukha.

Pinipilit isipin kung ano na nga ang iyong hitsura. Kung magtatagpo ang ating landas, hindi ko alam kung makikilala pa kita. Sa dagat ng napakaraming mukha, matutukoy ko kaya kung nandoon ka?

Sabi nila, ibang-iba ka na. Andami nang nagbago sa'yo. Nagbago na rin ako. Pag nagkita tayo, makilala mo pa kaya ako.

Ano nga bang nangyari sa atin? Di ko na rin maalala. Di ko na maalala kung sino ang nagbura ng ating mga alalaa.

Sa muli nating pagkikita, sana makilala kita. Sana maalala mo ako. Gusto ko lang balikan, ang lahat ng masasaya, mapapait, malulungkot na alaala.

Popular Posts