The Jeepney Chronicles: 06.28.13

Buti na lang may shield ako against BV pag Friday. Sa jeep pauwi, gusto ng driver na iwasan ang traffic sa JP Rizal, so ibang ruta ang tinahak namin, pumasok sa mga iskinita, hanggang sa di na rin niya malaman kung saan lalabas. Tinuturuan naman siya ng mga tricycle drivers na napapadaan kung saan may open na labasan. Medyo napapalayo na kami nung nagsisimula nang magtanong ang mga tao kung nasaan na ba kami. (Hindi ako worried kasi anuman ang mangyari di malalampasan ang bababaan ko.)

Yung katabi ng katabi ko sa right, alam niya kasi taga-dun daw siya, Sta. Ana na daw yun. Yung katabi ng katabi ko sa left, halatang iritado na, nag-aalala siguro na lalampas siya sa bababaan. "My god, san na 'to?"

Tanong niya sa driver, "Manong, san na po tayo?" Driver: "Sta. Ana na po ito!" Pasahero: "Nagtatanong lang po! Kayo po kasi ang driver." (Me: Hm what is? Nagtanong siya, sinagot lang din naman.) Yung katabi naman niyang mukhang Madam, tinapik siya sabay sabing, "Relax lang, hija."

After a moment, bigla na lang may kausap siya (si irita girl). May nakita palang kakilala sa labas, "Ihahatid mo ako? Sige, para po! Para po!"

Me: Good riddance.

Popular Posts