The Jeepney Chronicles: 07.01.13

The first part of my ride home was glorious. Yung katabi ko at yung katabi niya mga cuticles! When I was waiting for a jeepney, nai-spot-an ko na siya na sumabay dun sa maraming taong sumakay sa kakarating lang na dyip, then I said, "Hmmm, I need to get into that (jeep)..." So may dumating pang isang jeep, pero alam ko hindi pa puno yung una kaya dun ako sumakay. Hallelujah! One seat apart pero yung katabi ko rin naman cute, akala ko nga baka magkabarkada pa sila. :p

Yung pauwi na ng Paco, ang nasakyan ko punong-puno ng mga estudyante. Grabe, ang iingay. Nakakairita nga talaga pag buong tropa nagkakasabay sa iisang sasakya. Siyempre nung estudyante ako at ako ang gumagawa nito, ang iniisip ko lang, we're having fun at di iniisip na may iba pang mga pasahero.

One time, nung papunta kami somewhere sa La Trinidad kasama ko ang PIC people, halos kalahati ng jeep sakop namin. Adnun si Drix so syempre, maingay kami. At one point, sinaway/pinaringgan kami nung isang pasahero kaya tumahimik kami. Ngayon ko lang nari-realize na, oo nga, maingay nga kami nyn. PArang itong mga kasabay kong estudyante ngayon. Kinailangan ko na lang patayin ang mp3 dahil hindi na maganda yung sumasabay pa sa ingay ng mga bata.

Popular Posts