"Maguindanao Massacre Video"

Ang dahilan kung baki tulad ko, di rin nakakain ang pusa kahapon.

Nagbabasa ako ng updates sa facebook nang makita ko ang isang video na may titulo na “The Maguindanao Ampatuan Massacre!” Binasa ko ang comments ng iba-ibang tao na malamang ay napanood ang video. Sabi ng isa, “…muntik ko na isuka yung isinubo ko’t nalunok…”

Panigurado morbid to at baka di ko kayanin. Pero dala ng kuryosidad, clinick ko ang play button.

Unang sampung segundo pa lang halos di ko na makayanan ang nasa screen. Pero dahil kunyari strong ako, tinapos ko ang mahigit apat na minutong video ng kahindi-hindik na pagpaslang sa 57(?) katao sa Maguindanao noong Nobyembre 2009. (basahin ang istorya)

Yun nga lang sa loob ng apat na minutong yun, pasilip-silip ako sa ibang tabs na nakaopen dahil diko talaga kaya na dun lang nakafocus. Di nakalagay sa post kung san galing ang video.

Gusto kong icomment na sana hindi na lang yun pinost. Naniniwala ako na hindi dapat pinopost sa public ang mga ganung video. Masyadong gory.

Ang mga sumunod na oras, hirap ko nang tanggalin sa isip lalo na yung unang eksena. Parang gustong bumaligtad ng sikmura ko. Higit pa sa galit, panghihilakbot ang namayani sakin. Kasalanan ko naman dahil pinanood ko. Hindi tuloy ako nakakain.

Kahit pa mukhang napapabayaan ang kaso, umaasa pa rin ako na mabigyan ng hustisya ang mga biktima. Although hindi ko rin sigurado kung yung video na napanood ko ay sa Maguindanao massacre talaga.

Popular Posts