Habagat 2013

Monday. Di ako pumasok dahil puyat. Kung di ako puyat malamang pumasok pa rin ako dahil by this time hindi pa siguro nababaha yung daan ko papuntang Makati. Pero dalawang oras lang halos ang tulog ko nung nakaraan gabi kasi...

Sunday. Nasa bahay kami ni Mara sa QC para manood ng The Conjuring. Ito lang talaga ang pakay ko dito. Pero hindi na ako nakauwi dahil pinigilan ako ng mga tao dahil mula nung pagkadating namin dun ng hapon, di na tumigil ang ulan. After ng pirata version ng Conjuring, sabi ko, sige isang pelikula pa. Pagkatapos ng pelikulang yun, nagsalang pa yung mga kaibigan ko ng bagong papanoorin. By this time di na ako mapakali kasidi na talaga tumitigil kahit sandali lang ang ulan. Goal kong makauwi nang gabing yun kasi nga may pasok kinabukasan at may lalakarin ako sa bangko. Pag usaping pera, mahalaga yun talaga. :p Alas diyes, sinabi kong uuwi ako. Di ako pinayagan. Alas dose, di pa ako natutulog kasi di ako makatulog dahil worried nga ako na di na talaga ako makauwi. Yung mga kasama ko movie marathon pa rin kasi lahat sila wala naman pasok kinabukasan. Ilang oras pa ang lumipas sinubukan kong matulog, di talaga kaya. Mahirap talaga akong makatulog kapag malakas ang ulan. Eh dagdagan pa ng pag-aalala dahil naranasan ko na ang baha nung Ondoy nung 2009 at Habagat last year. Nagkape, at bandang alas kwatro'y nakatulog din. 
 
Alas sais, gising na ulit ako. Di na rin ako makatulog kasi nag-aalala na ako sa kalagayan ng Maynila. Makakauwi pa ba ako sa umagang yun.  Nag-abang ako ng updates sa Twitter at TV. Marami na ngang binaha. Kung makakauwi ako ASAP, kaya pa sigurong pumasok. Anyway, kailangan ko din talagang pumunta ng Makati dahil nandun yung bangkong pupuntahan ko.

Alas siyete, nagising ang mga kaibigan ko. Nag-feel at home kami at nagluto ng agahan sa bahay ng tulog pa naming kaibigan. Pagkatapos naming kumain, umalis kami nang di na nagpapaalam sa may-ari ng bahay. Tumigil kasi ang ulan nun so sabi ko chance na namin yun at ayon sa balita, medyo bumaba na daw ang tubig sa Espana, yun ang sign namin dahil dadaan kami dun.

Nakauwi ako lampas alas diyes na. Cutting trip pa kami kasi yung jeep na sinakyan namin, umayaw na tawirin ang baha sa Espana kaya pinalipat na lang kami sa bus.

Pagkatapos maligo, inantok ako kaya nag-decide akong di na pumasok. May VL naman akong na-file at pwede naman ipalipat ang date nun. Yung lalakarin ko sa bangko, pinagpaliban ko na lang kasi may mga bangko din na nag-suspend na ng pasok for that day. Sa kabila ng pagsu-suspend ng pasok sa gobyerno, hindi kinansel ang trabaho namin. Inexpect ko na titigil na rin ang ulan bandang hapon. Paggising ko, umuulan pa rin.

Tuesday. Dalawang beses akong nagising dahil sa malalakas na kulog at kidlat nang madaling araw. Bumangon ako nung alas tres, bumaba, sumilip sa labas dahil baka baha na pala sa kalye. Hindi pa baha. Bumalik ako sa pagtulog. Nagising akong muli bandang alas kwatro. Bumaba ako at nagluto ng makakain. Nagbasa ng updates sa Twitter at nag-abang ng announcement ng suspension ng pasok sa trabaho. Nang magliwanag na at di pa rin tumitigil ang ulan. Muli akong bumalik sa tulog. Bandang alas sais nang marinig ko ang komosyon sa baba. Apparently, pinasok na kami ng baha nun. Nasayang naman ang effort ng pagre-renovate last year para di na sana pasukin ng baha ang bahay. Malamang di na talaga ako papasok nun. Wala akong bota, at wala akong healthcard, ayoko na lang magtake risk. Mabuti na lang may mga naka-stock na pagkain sa kwarto ko, mga de-lata at crackers. Natatawa lang ako nung marealize ko na pang-relief goods din pala yung mga pagkain ko. Kaya nung nagluto ako ng ulam, yung sardinas ginisa ko at hinaluan ng pineapple tidbits para maiba naman. :p

Parang taon-taon na to nangyayari. At never akong masasanay sa ganito. So ano na?

Popular Posts