The Jeepney Chronicles: 10.04.13

Red light. Tumigil ang jeep. Pinaabot ng isang pasahero ang bayad niya. Yung pinakamalapit na pasahero sa drayber ay nakaupo sa bandang gitna. Kinailangan niyang lumapit pa nang konti para maiabot yung bayad sa drayber. P100 yung pera. Ilang segundo ang lumipas bago nagbilang ng sukli ang drayber. Pinaabot ng drayber ang sukli. Sabi ng pasaherong nag-aantay ng sukli, "Ma, para po ah!" at sabay kuha ng sukli.

Ako, (at malamng yung iba pang pasahero): Te, ano yung saka ka lang magbabayad kung kelan bababa ka na? At buo pa ang pera mo niyan. At sa gitna ng kalsada nakatigil ang jeep.

Popular Posts