The Jeepney Chronicles: 10.17.13

Papasok ako ng trabaho. Half past seven pa lang pero halos wala nang jeep na papuntang Makati (usually 8am sila napupuno talaga). After ilang minuto, nakasakay din ako kasi may mga pasaherong bumaba sa pinag-aantayan namin. Dalawa yung bumaba pero di rin ako nakaupo nang maayos kasi, naturally, kapag may bumababa, inaangkin nga mga nakaupo na yung space para maging komportable sila.

Maya-maya pa'y may sumakay na dalawa pa (mga payat na babae). Nagkasya naman sila. Puno na ang jeep. Nung medyo tumigil ang jeep para tumawid sa kabilang lane kung nasaan ang gasolinahan, may humabol na babae. Puno na ang jeep, sobra pa nga ata sa capacity. Naghanap ng mauupuan si girl. Siyempre walang gumagalaw kasi wala na talagang space. Pero hindi bumaba si girlaloo. After ilang seconds, naisip siguro nung isang girl na walang balak bumaba si bagong-pasok na girl so umusog siya ng konti at nagkaroon nga ng space na kahit isang hita ko ay di kasya. Sumuot dun si ate. (Medyo plump siya.) Hindi siya nagkasya. Nagmove pa-forward yung lalakeng katabi niya, you know para makaupo si ate. Hindi talaga kasya. All the while nakatigil ang jeep dahil nagkakarga ng gasolina. Kahit walang nagsasalita, alam kong iisa lang ang iniisip naming mga pasahero: Wala na talaga. Bakit di na lang bumaba.

Tapos si girlaloo tumayo/yuko ngayon sa alley, nagcheck ng phone. Nag-check siguro ng oras. Iniisip ko, so balak niya bang ganito ang posisyon buong biyahe? Pero no, muli niyang isiniksik ang sarili dun sa maliit na space. So ang nangyari, medyo naiipit na yung katabi niyang girl, kasi nauupuan na niya both yung mga katabi niya. Nag-stay siya sa ganung posisyon ng ilang segundo. Nung marealize siguro ng katabi niyang lalake na di talaga bibigay si ate, tumayo na siya at naghanap ng pwesto para sumabit. (Dati nang may tatlong nakasabit.) Eh di ayun, nakupo na nang maayos si ate pero ang sama na ng tingin sa kanya ng katabi niyang girl at I'm sure jina-judge namin siyang lahat.

Kasi kung nagmamadali, bakit di gumising nang maaga. :p

Popular Posts