The Jeepney Chronicles: 11.07.13

Nakasakay na ako ng jeep pa-Paco. Somewhere sa kahabaan ng JP Rizal, pagkalampas ng jeep sa isang kanto, biglang may pumutok (di ko sigurado kung baril), tapos may sumigaw na babae at may nagtakbuhan/naghabulan. Hindi ko alam per yung driver ng jeep na sinasakyan ko, bigla na lang tumigil, as in intentionally, at sumilip yung driver sa labas ng bintana para tingnan kung anong nangyayari dun sa kanto. I was like: WTF! Isang metro lang kasi ang layo namin dun sa kanto kung saan may 'gulo.' Yung katabi kong pasaherong babae, bigla tuloy napaalis sa upuan at nag-squat sa aisle sa takot at sabay sigaw sa driver, ano ba kuya bilisan mo na! Saka lang tumakbo ulit yung jeep. Napakapa tuloy ako sa likod ko kasi baka may tama na pala ako nang di ko nalalaman.

Popular Posts