Ettam maki-pascua!

Back in the province, (probably since I started walking and talking until I left for college) twice each year - on Christmas Eve and on New Year's Eve, I go along with the kids in my neighborhood caroling on every house within 500 meters from home.

Going caroling was only one of the many fun stuff about Christmas. We call it, 'maki-pascua.' And its something that makes me feel good. One, because its an avenue for me to sing kahit di naman ako marunong kumanta talaga. Feel na feel ko yun kasi marami naman kami so nalulunod ang boses ng bawat isa. I also like the thought na at the end of the caroling session, kahit pa usually tig P50 lang kami sa final hatian, pinaghirapan namin yun. So ang sarap sa pakiramdam.

We're usually a big group, composed of at least 10. My neighbors are also my cousins so we don't have to divide or go on separate ways. We're kins, it won't look good. Some years, we go just once, on Christmas Eve, but I remember we'd also go caroling before New Year (for more extra money! lol) and we remedy the Christmas songs by changing the word Christmas into New Year.

We usually start at 7 p.m. or earlier. By 9 p.m. kasi dapat nasa bahay na kami kasi we'll have to prepare pa for the midnight mass. We usually sing at least 5 songs sa bawat bahay. Kahit pa nag-abot na yan agad ng pera pero di pa tapos ang kanta, tatapusin namin yung kanta at kakanta pa ng isa or dalawa. Unless request nila na wag na lang kaming kumanta, sa instances na may baby na natutulog.

Tambourine na gawa sa piraso ng kahoy at tansan ang dala naming instrumento. Usually isa or dalawa lang at maraming nag-aagawan para mag-play ng instrument. Minsan, salitan. Minsan, binibigay na lang namin solely dun sa madaling makasunod sa beat ng kanta. (Hindi lang din naman kasi basta-basta ang pag-hampas sa tambourine. Nakalimutan ko na nga ang tawag namin dun sa dialect namin.) Naalala ko may isa kaming kapitbahay na mahilig mag-gitara, si Uncle Dido, so pag nataon na andun siya sa bahay nila habang nangangaroling kami, usually sinasabayan niya ng gitara. Or siya yung nagde-decide kung ako yung gsuto niyang i-play, sasabayan lang namin.

Noon, regular na binibigay ng bawat bahay ay P5. Pag P10, masaya na kami. Pag 20, galante ang kapitbahay. Ewan ko na lang ngayon, baka choosy na ang mga bata at ayaw na ng P5 or galante na ang mga tao at malaki nang magbigay. ;) But any amount should be appreciated anyway, kahit piso or dos lang nun, kakantahan pa rin namin. Siyempre, magco-comment kami na, kuripot naman, pero bihira lang naman mangyari yun, at sa instances lang na wala na talagang barya yung mga tao at ayaw naman din nilang magbigay ng sobrang laking halaga.

Konti lang ang mga bahay sa probinsya, at magkakakilala kaming lahat, kaya walang nababastos or nasusungitan sa amin. Ang challenge lang ay kapag nagkataon na may nag-iinuman o lasing sa napuntahan naming bahay. Hindi naman mambabastos, pero mangti-trip yung mga yun. Like, magre-request ng kanta. Sasabay kumanta. At matagal bago kami bigyan ng aginaldo or ayaw kaming paalisin agad. Pero lambing-kapitbahay lang yun. :D

Usually isa or dalawang grupo from the neighborhood na nangangaroling, kids (elementary bagets) at growing kids/teens. Di mo talaga expect na magkakasama yang grupo na yan, kasi ang teends, medyo nahihiya na yan at gustong may sarili nang lakad so sila-sila yung magkakasama. Yung mga younger kids naman, mas carefree ang pangangaroling, at minsan, meron with adult supervision pa. Though wala akong naaalala na nangaroling ako na may kasamang adult. Siguro kasi may mga pinsan naman akong mas matatanda. May mga dayo rin na nangangaroling pero usually daytime sila.

Probably the most meaningful caroling session I ever did so far was when we went singing for shop to shop in the market so we can raise funds for our little Christmas charity event for the natives (Atta community) in our town. It was initiated by out then-English teacher, Ma'am Connie. Nawala ang hiya ko nun sa pangangaroling sa shopowners dahil kasama ko ang teacher ko at mga kaklase at alam kong yung maiipon namin ay mapupunta sa mas nangangailangan.

Sa ngayon, kapag umuuwi ako ng Cagayan, ako usually ang nagbibigay sa mga nangangaroling, dahil, "iddam me ta barya" is a common holiday expression at home. lol

I'm still unsure if I can come home for Christmas this year. I never spent a single Christmas away from home, sooooo I'll really have to make an effort.

Popular Posts