Pagtatapos

Eksaktong limang na taon na ang nakararaan, tinawid ko ang entablado at tinanggap ang blangkong papel bilang simbolo ng pagtatapos ng apat na taon kong pakikipagsapalaran sa loob ng mga klasrum sa ng Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio. Limang taon na ang nakaliliaps, at pareho pa rin ang pag-iisip ko: na higit na mas marami akong natutunan sa labas ng klasrum kesa sa loob ng mga silid nito.


Ito ang pinakaunang kuha sa akin sa graduation pictorial. Ito ang pinili kong kuha sa'kin dahil tunay ang ngiti ko dyan. Habang ang karamihan ay pipiliin ang litrato nila kung saan medyo pa-demure ang ngiti nila, ako, gusto kong ipakita yung saya.

Hindi ko kinailangan mameke ng ngiti dahil bago magsimula ang shoot, nagbiro yung photographer kaya medyo napatawa ako. Yung joke niya? Tinanong niya ako kung ano daw ba yung maliit na itim sa taan ng labi ko, akala niya daw dumi. Sabi ko, nunal yun. Sagot niya, "Ah, yung mga may nunal sa bibig magaling daw humalik." Napangiti na lang ako kasi first time kong marinig yun.

Ito rin ang pinili kong ipalagay sa frame. Yung naka-salay ang malamang pipiliin ng nakararami, pero naisip ko, ako ang unang graduate sa pamilya, at kaunti lang sa lugar namin ang nakakpagtapos sa UP, so hindi sila pamilyar kung ano ang sablay. Ang akin lang, self-explanatory na kasi kapag naka-toga ka sa litrato.

Pero ito talaga ang bersyon na pinakamabenta sa lahat.

Popular Posts