Dear Karen

Nagtampo ako sa’yo.

Magbi-breakfast pa tayo, sabi mo. ‘Yung leftover pork adobo from dinner, mas masarap kapag pinainit the next day. Sobrang excited kayo ni Ryan, at nagtuturuan pa kung sino ang gigising kanino para magluto ng breakfast. Pero wala nang breakfast na naganap. Dahil wala ka na nung breakfast.

'Di ba tuturuan mo pa kaming mag-painting. Pinag-uusapan lang natin kagabi na tuturuan mo kami ng isang painting technique, yung may texture. Ikaw kaya nag-suggest dati pa na mag-painting lessons tayo sa bahay nina Mara sa QC. Pupunuin pa natin yung art wall, ‘di ba. Pero sa halip na madagdagan ang laman, nabawasan pa. Nga pala, bakante pa rin ‘yung old wooden frame na sabi mo lalagyan mo ng portrait mo. Ewan ko kung magkakaroon pa ba 'yun ng laman.

Hindi pa kayang tugtugin ni Ryan nang buo ang ‘Buses and Trains’ sa gitara, tapos iniwan mo na kami. Kung kailan meron na tayong shaker. Hindi na natin kailangan pang gumamit ng pepper shaker kapag nagja-jam sa madalang na mga gabing nagkikita-kita tayo. Ni hindi pa nga ako natututo kahit isang piyesa sa gitara o ukulele. Tuturuan mo pa ako ‘di ba?

Di ba iku-kwento ko pa sa’yo yung buhay ni Pedro Paterno para masulit yung tuition ko. Sino na’ng makikinig sa mga kwento ko?

Papa-mixer kami sa Bourn, wag ka nang kumatok, pasok ka na lang.

Popular Posts