Inaantok na ako. Hindi pala ganun katapang yung kapeng ininom ko kaninang umaga. Nag-alala pa ako na baka di ako makatulog nang maaga ngayon. Maaga na naman kasi ang pasok bukas. At nasanay akong tanghali na gumigising nitong mga nakaraang araw.

Isa lang ang natapos ko sa mga nilista kong gagawin ko ngayong Semana. Yung dalawa nasimulan ko na--yung isa kailangan kong tapusin bukas dahil kailangan at yung isa naman, sa sunod na araw na lang. Yung isa pa, hahanapan ko pa ng oras. Apat na araw yung bakasyon pero sa lahat ng araw na iyon, kaharap ko'y libro at laptop. Kailangan eh. Pinagbigyan ko naman ang sarili ng mahahabang tulog, at kumain ng nanaisin. Parang lagi lang akong kapos sa oras. Mabilis ba ang oras, o mabagal lang ako mag-isip at kumilos.

Kinse minutos na lang tatanda na naman ako. Ang bilis nga ng oras.

Popular Posts