Waiting Area



Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako naghihintay dito
Malapit na akong mainip
Ang tagal mong dumating
Aalis talaga ako kapag naubos ang pasensya ko

Nasaan ka na ba?
Ilang eroplano na ang nabilang kong dumaan
sa kalawakan
Hindi ko na mabilang kung ilang jeep, trak, van,
motor, bisikleta at traysikel ang dumaan
sa kalsada sa ibaba
Pero wala pa ring paramdam
Kung darating ka na ba

Inabot na ako ng gabi sa kakahintay
Nagsasawa na ako sa mukha ng buwan
Unti-unti na ring nawawala ang mga tala
Hihintayin mo pa bang maubos sila
Bago ka magpakita?

Nasaan ka na nga?

Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo?
Ano pa bang mas importanteng bagay na pumigil sa'yo
At pinaghintay mo ako

Kailan ka ba darating?
Sana nalaman ko nang maaga
Di sana naghanap muna ako ng ibang pagkakaabalahan
Para di ako naiinip
Para di ako naiinis
Sa'yo
Dahil ang tagal mo naman kasing dumating

Ano na?
Hanggang kailan pa ba ako maghihintay dito?
Hanggang kailan pa ba ako maghihintay sa'yo?

Nasaan ka na ba kasi?
Naiinip na talaga ako

Darating ka pa ba?

Popular Posts