Burnham Park

Ito na ba yun? Parang andaming nagbago. Bakit parang hindi ko na kilala ang lugar na 'to? Ano'ng nangyari? 'Asan na ang mga alaalang iniwan ko dito? Burnham asan ka na? Anong ginawa nila sa'yo?

Tuwing may bumabagabag sa akin, o kahit wala, tuwing gusto ko lang mag-emo o mag senti, madalas dito ako nagpupunta sa Burnham Park. Napaka-generic ko ‘no. Tambayan ko  ang paboritong tambayan rin ng marami. Kahit anong araw hindi nauubusan ng tao.

Sabagay, yun talaga ang gusto ko dito, yung maraming tao, maingay, pero walang mangingialam sa trip mo. Yun bang umiinog lang ang sarili mong mundo at tila props at special effects lang mga taong dumadaan.

Hay Burnham, kung susumahin ang oras na inilagi ko sa lugar na to, siguro mas mahaba pa kesa sa paglagi ko sa apartment. Bukod sa eskwelahan, sa mga bahay-inuman at kung kani-kaninong bahay, ang Burnham ang naging kanlungan ko. Tuwing gusto kong mapag-isa, soul searching ba, o tuwing gusto kong sumaya, kasama ang tropa siyempre.

Maraming masasayang karanasan  ang iniwan ko dito. Masasabi kong ang lugar na ito rin ang nagmulat at nagturo  sa akin ng maraming bagay, mula sa simpleng bagay tulad ng pamamangka hanggang sa kumplikadong damdaming tinatawag na pag-ibig. Hindi totoo yung huli. Pa-deep lang talaga ako. Pero seryoso, bukod sa mga kung ano-anong  bagay na imunulat sa akin ng Burnham, isa sa mga mahahalagang natutunan ko ay ang pagsagwan. Kahit pa medyo malapit kami sa ilog ay hindi ako natutong mamangka at lumangoy. May pinsan kasi akong nalunod doon sa ilog kaya pinagbabawalan kaming maligo o maglaro doon.

Masarap mamangka sa lawa, lalo na sa gabi. Madalas ko itong gawin. Kahit pa mag-isa lang ako. Nung huling taon ko nga sa Baguio, pwedeng pwede na akong mag part time bilang bangkero.

Ang lawa ang main attraction ng Burnham Park, kahit pa sobrang dumi ng tubig na berdeng- berde na dahil sa lumot na ilang dekada na ring nananahan sa lawa, marami pa rin ang nagbo-boating dito at paborito pa rin ng mga turistang magpapapicture na ito ang background.

Kapag gabi, paborito namang tambayan ng mga magkasintahan ang gilid ng lake. Salamat sa mga kaibigan kong lumason ng isip ko. Kapag gabi kasi at namamangka kami sa lawa, sinasadya naming dalhin ang bangka sa gilid ng kuwadradong lawa para makakita ng mga milagro sa mga madidilim na sulok. Marami kasi dun live show. At madalas di kami nabibigo. Eto ang ilan sa mga uri ng magkakapares na ninanakawan namin ng private moments sa public place.

May mga sumisimple, yung medyo patago, pinili yung pinakamadilim na parte at dun sumisimple. Pero kahit anong dilim pa ng pagtaguan nila, parke yun, makikita at makikita yun sa at least isang side ng parke.

Meron diyan pumupwesto sa ilallim ng punong mababa ang mga sanga at nakalugay ang  makakapal na dahon. Medyo natatakpan pero pag medyo nilapitan ay makikita ang naglalaplapan na pinagpipyestahan ng mga dumadaan.

Hindi lang sa mga bench sa gilid ng parke may nagmimilagro. Try mo maglalakad-lakad sa grounds, mas madilim kasi at hindi kumpol ang mga tao sa ilang bahagi ng malawak na parke. Yun naman ang medyo private place. Pero babala, wag kang maglalakad mag isa, sigurado pagkakamalan kang nagbebenta ng aliw.

Hay Burnham, ilang kwento ng pag ibig na ba ang nasaksihan mo?

Ayun oh may chicks na nagboboating. Bubuntutan ng bangka namin. Babangga-banggain para magpapansin. Kunwari hindi marunong magsagwan o kaya mag-iingay para mapatingin sa amin. Pag sinwerte, makikipagkilala yung mga yun. Pag hinde, susungitan ka pa't minsan isusumbong sa mga bangkero. Yung isang tropa ko ng minsan nasampal. Ayaw kasing iurong yung bangka na nakaharang sa daraanan ng bangka ng isang grupo ng mga kolehiyala.

Pag nabuburyong ka sa iskul o sa bahay, Burnham pa rin ang sagot diyan. Kung mahilig ka sa sports, bukod sa boating meron jan biking. Pero ang pinakapaborito naming mahilig sa extreme sports ay ang mas pinakulet na version ng boating, kayaking. Kapag boring na ang mabagal na pag-usad ng bangka, bilisan lang ang pagsagwan at ayan instant kayaking experience na. Ingat lang dahil mukhang nangangain ang mga mikrobyo sa tubig. Eto pa isang extreme sports. Sikreto lang ah peor madalas din kasi naming gawin ito. Mag-inuman habang namamangka. Dun kayo sa gitna o kaya dun sa hindi masyadong puntahan ng ibang bangka para hindi mahuli. Siyempre hindi ito applicable kapag may kasama kayong bangkero.  Pahabol ang dalhing allak ay yung malakas ang tama para kahit isa o dalawang oras lang kayo’y may matatamaan na. Hindi naman kasi chinecheck ng mga bangkeor ang mga dala-dalang gamit ng mga customers. Wag na yung pulutan, marami na nun sa gitna ng burnham, yung mga nagbebenta ng balut, penoy, chicharon, C2, tubig manui itlog pugo atbp. Ang pinakamasayang inuman ko sa burnham ay nung may kasama kaming malakas ang tama, bigla ba naming gusting lumangoy sa “ilog”. Kung hindi lang kami mabubuking na nag-iinuman ay sinakyan na sana namin ang trip ni ungas.

Nang minsang nasarhan ako ng bahay, naiwan ko ang susi at hindi masising ang mga kasama s abahay, s aburnham ako nagpalipas ng gabi. Doon ko nakilala si Frida. Kung anuman ang iniisip niyo, hindi yun ganun.

Isang gabing nakatambay ako sa bench. Napansin ko itong babaeng namamangka mag-isa. Mahaba ng straight na buhok, balingkinitan, hindi ko maaninag ang itsura dahil hindi naiilawan. Hindi itoa ng unang beses na nakita ko siya, namamangkang mag-isa. Pero hindi pa nalalapitan.

Mabilis siya magsagwan, parang eksperto. Parati lamang siayng nagpapaikot ikot mag isa sa kwadradong lawa. Ewan ko lang kung bakit kahit isang beses ay hindi naming napagtripan na lapitan siya.

Nang gabing iyon, nakita ko ang pamilyar na anino sa lawa, sa loob ng kalahating oras, pinagkasya ang sariling panoorin siya, ang graceful na pagsagwan, ang pagtusok ng sagwan sa katawan ng tubig, ang pagkilos ng Bangka kasabaya ang mangilan-ngilan pa. napunta siya sa bandang ialng metor lan ang layo mula sa kinauupuan ko, ilang sandali’y nakita ko ang kanyang maaliwalas na mukha.

Tumingin ako sa relo, alas onse y media na. may mangilan ngilan pang namamangka kasaabay ng babae at may mangilan ngailan pa ring nagalalakad sa paligid ng parke. Ilang oras pa ang palilipasin bago umuwi. Kung bakit ba naman aksi nsira ang door beel at ang mga kasma sa bahay ay tulog-manitka.

Kailangan kong maghanap ng ibang matatambayan kundi’y maninigas na lang ako sa lamig.

Limang taon na rin pala ang lumipas. Parang saglit na panahon lamang pero andami nang nagbago. Parnag di ko na kilala ang Baguio. Kasabay ng pagbabago ng lugar na ito, nananatili pa rin ang mga ala-alang naiwan ko dito.

Popular Posts