My Baguio Stories

I’ve so much memory of Baguio even the smallest stuff like a single song has the power to generate a vivid full account of a matchless story from my bank of memories.

I remember printing out a copy of the lyrics of this song one time I may have heard it on the radio or in the television and posted the paper in our bedroom wall.
I talk a lot about my dislike of Rico Blanco taking over the vocalist post of Rivermaya but I can’t deny the fact that I have loved much of his songs, as Rivermaya frontman and as a solo artist. There’s just something about his writing/lyrics that makes me appreciate his music. But hey, this isn’t a Rico Blanco appreciation post, related lang kasi ito sa isa niyang kanta, isang misadventure na tuwing naririnig ko ang “Your Universe” ay automatically nagfa-flashback ang memories ng isang gabing iyon. Maligoy lang talaga akong magkwento.
So this certain story happened not so long ago, nung tahimik akong namumuhay bilang tambay sa Baguio. Natatawa lang talaga ako tuwing naalala ko to. Some of you may not find this funny but I really do.
Marami akong misadventures as a student, pero ito, graduate na ako nun, may hang-over lang ng pagiging estudyante. August 2009 noon at ngayon, when I look back, diko rin maisip kung pano akong nakasurvive ng ilang buwan sa Baguio na walang trabaho, palipat-lipat ng bahay, nakikitira sa mga kapatid at kaibigan.
I have this wonderful set of BFFs. Si K ang may pakana ng reunion na ‘to. Pabiyahe siya nun galing sa probinsya nila, so naisip niyang pumunta munang Baguio/Sagada bago tuluyang maghanap ng trabaho sa Maynila. Game naman ako kapalit ng pag-ampon niya sa akin dahil sasabay na ako sa kanya sa pagbaba. We have another friend, si S. Dati, magkasama kami ni S na nakikipagsapalaran sa Baguio. Pareho kaming natanggap at nag-train sa isang BPO company at sabay din nag-quit -si S nag-quit dahil di nakapasok dahil nagkasakit, ako nagdecide na lang mag-quit dahil di nakapasok si S. Gawd we’re so dependent. So after ng pangyayaring to, umuwi si S probinsya. Naiwan ako kasi, ayokong umuwi samin na wala akong trabaho, grabe, failure yun sobra. Nagpatuloy lang ako sa pagtambay. Masarap tumambay. Kung pwede lang tumambay na lang forever.
Anyway, may boyfriend si S na naiwan sa Baguio. Mula nang nagkahiwalay si S at jowa niya nagsimulang maging on the rocks na ang relasyon nila. To cut it short, umakyat si S nung August either to save or put an end to their relationship. Sad to say, the latter happened. And as true friends would do, nag-inom kami to help her drown her sorrows.
Dun kami sa apartment ng another BFF na ang jowa ay sobrang lakas uminom at siyang tanggero namin that time. Now the thing is, we are all aware na si S ang pinakamababa ang alcohol tolerance samin. Pero pinainom pa rin namin nang pinainom. Syempre umiinom din kami pero naparami ang bigay samin sa kanya, madaling mauto nung time na yun eh, heartbroken. Eh di hatinggabi na siguro kami natapos, umwui na kaming tatlo sa APO house, yung bahay kung san ako nakikitira. Makapal ako talaga, pinatira ko pa ang dalawang friends ko dun.
Maya-maya, nagha-hyperventilate si S, di daw makahinga. Sabi ko, pahigain na lang, paypayan. Nilabas ko ang bentilador, ayaw pa rin mag-stabilize ng braething. Si K medyo panic mode na kasi di nga naman namin alam kung may hika ba tong si S. She decided we bring S to the hospital na lang. Nagdalawang-isip ako una dahil we’re intoxicated, baka di kami seryosohin ng mga tao dun, pangalawa, we’re intoxicated, pagtatawanan lang kami ng mga tao. . Kasi kung simpleng hyperventilation lang iyon, makukuha yun sa pagpapaypay o brown bag, ganyan. But then I gave in kasi seryosong nag-alala na yung isa habang ako’y naghahanap pa ng way to make light of the situation.
Eh di inaakay na namin si S palabas ng bahay. Bale kasi medyo malayo sa highway ang apartment, so pahirapan muna kasi hirap makakuha ng taxi sa oras na yun at sa lugar na yun. Habang naglalakad, biglang sinabi ni S na inaantok na daw siya, gusto na daw matulog. Sabi ni K, wag kang matulog, kahit anong mangyari wag kang matulog. Sorry pero I was, Wut? Parang eksena to sa pelikula ah! Pero na-feel ko naman na that time ay wala sa lugar kung magjojoke ako so, sinabi ko na lang kay S habang nagtatawag ng taxi si K, wag kang matulo, malapit na tayo.
Sa Emergency Room. Pagkababang-pagkababa pa lang namin sa cab at pagkasalpak ni S sa dalang wheelchair ng hospital staff, narinig ko na ang magic word, nakainom.
Pasok sa reception. Hindi po siya makahinga bungad ko sa staff. Ano po bang nangyari? Bigla na lang po siyang di makahinga. Pinahiga na si S sa bed, umiiyak na siya. Hindi daw po siya makahinga, medyo panic mode na din ako. Ang staff, pinapahiga lang siya, tapos si S, umiiyak, sinasabi hindi makahinga, pero ang mga nurse, wala naming ginagawa. I was like, watdahel bakit di niyo man lang bigyan ng kahit ano, tulungan mag-stabilize ang breathing?!
Interview with the doctor. Mga anong oras po ito nangyari? Sagot ko sana: Anong oras na ba? Di kasi ako aware, basta before kami pumunta dito. Sagot ko talaga: Kanina lang po. Kelan po kayo nag-inom? Kanina lang din po. Saan po? Sagot ko sana: bakit anong koneksyon nito? Sagot ko talaga: Diyan lang po, sa bahay ng kaibigan. Marami po ba siyang nainom? Sagot ko sana, obvious po ba? Kaya nga po kami andito ngayon. Sagot ko talaga: Ah medyo po. Di po kasi namin alam kung may hika or something, bigla na lang daw po hindi makahinga.
Salamat samin nagkaron ng konting action sa ER. Eh di may inuusyoso na ngayon ang mga nurse. I hate. Pero ano pa nga ba, malamang kung ako din ang nasa lugar nila makikiusyoso din ako. :p
Kanina okay naman po siya tapos bigla na lang di daw makahinga. Nilapitan ni Doc ang umiiyak pa ring si S. Kumalma ka lang hija. Makinig ka sakin, nasa isip mo lang yan. Walang ibang makakatulong sa’yo kundi ang sarili mo.
Pffft. Sabi na nga eh. Bumalik kami sa may counter to continue the interview/background check. Doctor: May problema ba siya? Bakit siya nag-inom? Problema sa pera, sa boyfriend? Ahhhhh meron po. Problema sa boyfriend. The uzis were delighted of course. Ano po bang nangyari? Sagot ko sana: WTF people di paba enough na napahiya na yung tao sa sinabi kong problema niyang lovelife tapos tatanungin niyo pa kung bakit. Sagot ko talaga: Ahm nagbreak po sila ng bf niya. There.
Balik kami kay S, si S na umiiyak pa rin, nagbibilin sakin na papuntahin daw si ex jowa sa opsital. Eh di sabi ko na lang oo, tinatawagan na ni K, kahit pa sa isip ko gusto kong pasabugin ang hayup na lalaking yun na siyang puno’t dulo ng lahat ng ito.
Ito, itong moment na to talaga, sa isip-isip ko, OMG, shut up S, kasi ang pathetic mo na, ang pathetic ng nangyayaring to. Now, my hairstyle back then, meron akong bangs, side bangs siya pero by that time, sa sobrang hiya ko, niladlad ko yung bangs sa noo ko para lang takpan kahit pano ang pagmumukha ko. Tapos itong isa dito, bigla na lang iiyak at patatawagan ang kanyang ex jowa. Si K nasa labas, kino-contact yung mga kasama namin kanina. Bale ako pala ang guardian/bantay niya kasi isa lang ang pwedeng pumasok sa loob.
Doc: Since intoxicatd po siya, wala po kaming ibang gagawin kundi urine and blood test lang. Kelangan lang po niya magpahinga. Me: K. Fine. Sabi niyo eh. Di nga daw makahinga wala kayogn ginagawa. Sagot ko: Okay.
To S: Kalma lang po kayo, kukunan po naming kayo ng blood sample. Sabay tusok sa braso, din a to ramdam ng gaga.
Nakunan na ng blood sample si S, medyo kumalma na. Naibigay ko na ang mga kelangan nilang impormasyon. Bale medyo nagkandalech lech pa to kasi ung nurse, nung unang beses na pinagCR si S ay nakalimutan niyang kumuha ng sample, so they had to let her drink lotsa water, and did not permit her to sleep bago makakuha ng urine sample.
Ang alamat ng paninisi sa GSM. Napunta ako sa labas para kumustahin si K. Dumating daw kanina yugn magjowa peor umalis din kasi nagsuka iyong isa. Sinisi ang alak na nabili sa Blue Mountain.
Fast forwad to midnight, bale tulog na si S by this time. Maya-maya may dumating na isa pang pasyente, si lolo, may sakit ata sa puso. Ang nagsugod sa kanya sa ospital ay si lola, anak siyang babae siguro, at apo (the apo is cute). Chumecheck out sa ER!
Fast forward. Dahil wala akong magawa, labas-masok sa ER. Naghanap ng maayos na pwesto to read Para kay B, pero medyo madilim at malamig lang sa labas. Maya-maya nakatambay kami ni K sa labas, pag nilamig, papasok, uupo sa visitor’s area. Magku-kwentuhan, lalabas, pero di pwedeng matulog dahil 1. Walang tulugan, pwede naman sa upuan pero 2. Di rin makakatulog sa lamig.
Most of the time, mas gusto kong tumambay sa loob kasi may magandang view. :p At one point, kinausap pa ako ni lola kasi nga 2 lang naman ang naka-confine sa ER so kami-kami lang ang nasa visitor’s area. Nagkwento kung anong nangyari kay lolo. Buti na lang din a nagtanong kung anong nangyari sa kasama naming. Byt his time nawala ang kung anumang tama ng alak meron nung gabing nagdaan. Maya-maya biglang humirit si K na nai-inlove na daw siya. Sagot ko naman, kanina ko pa nga tinitingnan. Pwede nga natin sabihin kay S na andito si N eh. Ang tinutukoy naming ay ang cute na apo na andun nakabantay sa tabi ni lolo.
Heto na, mag-u-umaga na, nilakasan ang radio, tumutugtog ang “Your Universe”, kaunting background lang, tong kantang to, ewan ko pero parang nagging theme song ata nitong mag-ex, or something na ganun, basta special kay S yung song. Ewan ko kung sa lakas ng sounds o sa kanta naalimpungatan si S. Basta nagising siya, tumingi-tingin sa paligid. Napatingin samin tapos natulog ulit.
Fastforward to the morning after, nung sober na kami. S: alam niyo ba kala ko andun si N kanina. Kasi nung pinapatugtog yung “Your Universe” at nagising ako, may nakita akong lalake na akala ko siya, blurred kasi. Ibang tao pala. Me: Wow pets, bakit anong akala mo sa buhay mo pelikula? Na darating yung love of your life tapos may background music pa. Tigilan. Move on na tayo. Cute yun pero hindi siya si N. :p
Naalala mo ba kung anong pinaggagagawa mo kagabi? Hindi nga eh. Baka di mo rin naalala na kinukunan ka ng blood sample. Di ko maalala pero parang naramdaman ko nga na may tumusok.
We held our grand monito monita at Central BBQ Grill in Malugay. We couldn’t do it in the office because for sure there’d be lots of noise. But the fail part of this was Central was so packed it’s too noisy. Anyway, we managed to exchange gifts and scream the necessary reactions. :p


Clubbin’ like a Boss
In 2009, our office party was supposed to be at Fiamma but things happened and we ended up at Bedspace in Greenbelt. For two consecutive years, Bedspace hosted our office Christmas party. This year though, I’ve no idea what happened (oh I have! I have! Maybe because bedspace no longer in Greenbelt LOL) but finally, our boss decided the venue for the year’s party is Fiamma Ristorante in Jupiter, Makati.
Here is my photodump of that fun-filled event except I didn’t get to enjoy much since my feet hurt because of the damned shoes I chose to wear and brilliant me didn’t bring any flats.
Pageant Part
~~~
So the yearly tradition continues. The weather’s not permitting me to go out but I thought this might be the only time I get to see my friends based in Cagayan and those who I never get to see in Manila because their either too busy and those that are based somewhere else, like out of the country.
I received a message from Yvonne and I immediately said yes, pagdating namin sa bahay ni uncle Amado, his wife auntie loida said she wasn’t expecting us, haha. Pero ganun talaga, every year namin to ginagawa, sumusugod sa bahay nila. Nag-i-iba-iba nga lang ang mga tao, peor parang ako lang ata ang constant. Ibig sabihin lang nun I always make it a point to go home for Christmas and ayoko talaga namimiss ang mga ganitong gathering. This year, nakauwi an gaming seaman na si John Rey at isinaman ni Majane ang kanyang jowa, di raw sila engaged eh, so jowa. Nga lang, nakaka-OP nung nag-uusap na sila tungkol sa jowa, settling down and whatnots. Di na ako makarelate. Tas pagbibintangan pa nila akong tomboy. Whatever. :p
~~~

Popular Posts