Lockdown Stories




5 June 2020


Nahabol ko rin sa wakas! Araw-araw dumadaan ang sorbetero pero mabilis maglakad kaya di ko nahahabol. Ito nahabol ko at di na nga ako nakapag-mask, sa tapat ng gate lang naman ako mismo bumili.

25 May

Isa sa mga pusang nakikitambay dito sa area namin at pinapakain na rin namin.




22 May

Mula pa kagabi, hina-hunting na namin kung sino si Galen, na nabanggit sa isang post nung minsan nag-inuman kami nina Mara at Henny sa Ortigas.


In another life, I wish to be born in Ilam, Nepal.


20May

I am having a breakfast cake with overripe bananas and iced coffee. There really are no rules anymore.


15 May

It's 'sunny in Philadelphia' na ulit in this part of the world. Hindi ako nakalabas the couple of days na umuulan. I need to replenish my supplies. I went to the market, and para along lumabas sa a whole new world. Mas marami sa usual ang mga tao sa labas. You can feel the festive mood. Non-essential shops are now open again. In one shop, siksikan ang mga tao sa loob, instantly forgetting about physical distancing.

Iniisip ko na lang maybe, like me, these people went out to stock on their supplies again dahil di rin sila nakalabas nung umuulan.

I'm still confused with some of the MECQ guidelines. Is everyone now allowed to go out? I assumed it was still the same as ECQ, only assigned persons can go out for essentials. But seeing posts online, people flocking to malls, traffic in main thoroughfares, it's like, people celebrated the day 1 of ECQ and MECQ by getting on to their cars and driving to the malls.

Earlier, my friends were teasing me about a "lockdown part 3" in Mandaluyong. By the looks of it, hindi malayong magtuloy-tuloy ang lockdown na even after May 31.


13 May

ECQ. GCQ. MECQ. BBQ!


Ang tagal kong di nakatikim ng "hepa" foods! Buti nagbukas na yung isang ihawan. Na-feel na nila ang epekto ng lockdown. Marami na rin iba pang shops malapit dito na nagsibukasan, milk tea shops, pati Goldilocks, at yung Dunkin parang tumatanggap na ng take out na hindi pang food delivery lang. Sabi ko nga, it's only a matter of time at magbubukasan na yung Bigmak dyan sa kanto at yung Yvan Navy at Above Sea Level at iba pang kainan sa loob ng compound nila. Ito ang mga takbuhan ko dati pag bigla akong ginutom sa gabi. Ngayon nga lang, di ko na ito magagawa.

Napansin ko lang din kanina lang na meron palang Japan store din dito banda. Excited na ako sa mga mabibili kong bagay doon na di ko naman talaga kailangan, hahaha. Ang siapg ko lumabas ah. Bagot na bagot na ako sa loob, kahit kaunting lakad lang, masaya na ako. Pag MECQ na, baka sipagin na akong mag-explore pa beyond. Ang hassle kasi ng may mga checkpoint eh. Tapos may random na magtatanong sa'yo, "Ma'am saan po kayo?" At saka yung tanong ko na kung pwede ba akong dumaan sa areas na nakalockdown? Ayon sa isang balita kanina sa tv, pinagbabawal din pala ito. Sana sa MECQ, dahil pwede nang mag-exercise sa labas, ay wala na masyadong magsisita. Gusto ko lang naman maglakad-lakad minsan to clear my mind.


12 May 

Sorry mga ka-kosa sa NCR, wala sa atin makakalaya hangga't hindi nagagamit ang lahat ng adjectives na pwedeng ikabit sa "community quarantine" at "lockdown".

(At hangga't walang quarantine performance ang F4.)
  • Calibrated lockdown
  • Extreme lockdown
  • Hard lockdown
  • Special concern lockdown

11 May

Nasa phase ako na pinaglalalagyan ko ng harina ang lahat ng kinakain ko. Presenting bean sprouts okoy:



10 May

Today was rather an odd/medyo unlucky day. I got locked out of my room. But proud of myself to have solved the problem all by myself. I won't go into details here. 

Anyway, I was going to the market when I got locked out so after solving the issue, I walked to the market. It was almost 6pm. I usually go to the market in the morning, but lately, I've bee waking up late and going to the market late in the morning is arduous this day, what with the heat. The disadvantage though, of marketing in the afternoon is there is almost nothing left to buy. Even more so on Sundays because the market is closed on Mondays. 

I am getting tired of eating the same things so there are times when I go to the market and not have a list, I'm gonna decide once I see what's available. This was one of those days. I bought chicken and some vegetables, enough for maybe 2-3 days.

I dropped by Mercury drugstore, but they did not have what I was looking for. I crossed the street to go to the grocery store, which normally has a long queue outside. Apparently, the good time to g other is late in the afternoon, when there are no more lines outside and even at the check out counters. I found what I need, from very limited options. I also bought essentials.

It only took me probably 15 minutes, it's probably 6:30pm already. When I went out, it feels different. Apparently, during this time, shops are starting to close, and there are almost no people outside. Very probinsya feels. 

Our quarantine pass says we are only allowed to go outside from 5am to 7pm. I guess they really are implementing it.


9 May

I am full on endorphins today thanks to a zoomushtahan session with my blockmates/only the people I'm closest to in college. It was a 3-hour filled with kulitan. We always make sure to meet up when there's a chance, but meeting online these days is fine. Same kulits.


For food aspect, here is another invention–kalabasa okoy.



7 May 

I can see the moon from my room. When I lived in the unit upstairs, I used to go to the roof deck whenever the moon is full and bright. In the city where I live most days in monotony, these little gives me joy.

Tonight, I accidentally looked at the open door and saw a big bright moon right smack in the small space between the neighbor's roof and ours, the only piece of sky viewable from my room when I am inside it.

On another note, I will probably come out of this lockdown with a 20/21 vision. Look at that kalabasa squash. I still have the squash from the relief goods so I thought of experimenting on it. To be fair, I like this one, probably not the long run, but I'd like to have some squash rice every now and then.




5 May 

Today, they shut down O-Shopping. It makes me so sad, unnie. Charot, kidding aside. Today, ABS-CBN signed off. Ang dami-daming ibang kinakaharap na issue ng Pinas pero they still chose to focus on shutting down a major media company, which is a source of news and entertainment to many Filipinos, domestic and abroad. Thigs are crazier in this part of the world.


29 April


Umabot na rin sa wakas dito sa amin ang wave! Finally, naabutan kami dito ng mga gulay dito. Happy lang ako makatanggap ng ayuda, lalo pa't gulay na siyang dahilan kaya ako nagpupuntang palengke. 

Ang dami ko tuloy gulay supply ngayon. Nakapamalengke na rin kasi ako at nagpanic buying ako ng toge dahil gusto kong kumain ng lumpia. Good for two days ang supply ko ng toge kaya two to three days lumpia din kakainin ko, hahaha.


Hirap pals mag-wrap ng toge! Pero matagal ko nang gustong kumain nito at wala nga akong mabilhan, kaya hero sariling sikap. Okay naman siya sa akin, hahaha.


27 April

So I discovered that today, Monday, is the best time to go out. Walang pila sa groceries, drugstores, and money changer. Yun nga lang closed ang market on Mondays. Pero other establishments that are not within the market area are open.

Nagpapalit ako sa Western Union pero ayaw nila tanggapin yung ibang bills kasi luma daw. Kaya tipid-tipid mode pa rin ako sa cash kasi sarado ang mga bangko na malapit sa akin.

Walang pila sa grocery pero wala naman akong kailangan bilhin doon. I was just looking for that gallon of ethyl alcohol pero wala sa mga nearby drugstores ang nagbebenta nito. Ito lang meron sila sa Mercury.


Bentang-benta yung boteng pang-alak. Di yata sila naka-procure agad ng plastic bottles bago nag-shift to disinfectant.


25 April

Nangati paa ko. Sa totoo lang kahapon pa. Kahapon, alas singko, naisipin ko biglang maghanap ng Villarica para magpapalit ng pera. Ang nakikita ko sa Facebook nila, bukas ang branch sa Kalentong mga 20-30 minutes na lakad siguro. Bago ito, naglaga ako ng itlog at nagluto ng pancit canton, dahil bored na naman ako. Itinabi ko iyon at nagdecide na lumabas muna ako. Buong araw rin akong na-bad vibes dahil nga extended na naman ang ECQ. Nakabihis na ako nang maalala ko na hanggang 7pm lang pala ang nakalagay sa Q pass. Di ko alam kung gaano sila kahigpit sa pag-implement, pero minabuti kong ipagpabukas na lamang ang pagpunta sa Villarica.

Ito na nga, nilakad ko mula San Rafael papuntang Kalentong. Curious din kasi ako kung ano itsura ng F. Martinez at Shaw sa panahong ito. Sa Martinez halos walang nagbago, ganoon pa rin, marami pa rin tao sa labas kasi palengke ang halos buong stretch na iyon ng kalye. Pero sa isang side lang pwedeng maglakad, yung side ng palengke ay para lamang sa mga namamalengke.

Sa barangay Addition Hills, na andito banda, ang may pinakamaraming cases ng COVID-19 sa Mandaluyong. Bawat iskinita sa bandang ito, papasok sa mga kabayahan ay may blockade, may mga nagbabantay din.

Ngunit ano't ano pa man. Ang dumi-dumi pa rin ng sidewalk. Nakipagpatintero pa rin ako sa mga tae ng aso. Yung iba di ko pa rin masabi kung tae ng hayop o tao. Dito ako dumadaan noon pag papasok sa TESDA, at ganito na siya, madumi. Inexpect ko naman na dahil panahon ng sakit ay nililinis namna sana nang regular. Hindi ganoon ang sitwasyon.

Inabot ako ng 45minutes para makarating sa Kalentong. Sarado iyong sadya ko. May isa pa sanang branch doon sa dulo, pero tinamad na ako. Naglakad na ulit ako pabalik. Sa bandang Acacia Lane, may bukas na TGP na walang pila at naalala kong bumili ng alcohol. Meron sign sa labas ng tindahan na available ang face mask at alcohol. Pagpasok ko, ang alcohol nila ay yung isang malaking gallon na nagkakahalaga ng mahigit P500. Siyempre, naunahan na naman ako ng katamaran. Bibitbitin ko iyon pauwi? Ang init at nasa kalahati pa lang ako ng kailangan kong lakarin. Bumili na lamang ako ng Berocca.

Nung malapit na ako sa San Rafael, tinanong ako ng isang bantay sa may tawiran kung saan daw ako pupunta. San Rafael, sagot ko. Nagtratabaho daw ba ako doon. Sabi ko doon ako nakatira. At pinadaan na ako. So may mga random nagchecheck nga. Di ko tuloy alam kung maiisip ko pa ulit mag-explore next time sa side na ito since may mga random nagtatanong pala sa daan.

May pila sa mga money padala at sa mall/grocery sa Shaw, sa Mercury din. Bukas ang mga fastfood for delivery.

22 April


Last of my Vietnam coffee. I still have ground beans, but I really liked this one. Iba ang tapang.


Share ko lang din ang aking anti-any disease stash. Traditional medicine is key. Hahaha.


21 April

Kinagat ng langgam ang aking labi at namaga ito. Nagkaroon tuloy ako ng free lip filler. Isa ito sa main problems ko these days, ants are everwhere and they are wild! Nginangatngat nila pati mga packed food. para bang gutom na gutom sila.


18 April

Nanaginip ako na naglalakad ako nang biglang maraming ahas na nalaglag mula sa isang punongkahoy. Magkakaiba-iba sila, ibang laki, ibang kulay. Maya-maya yung beklat (sawa), kinain yung isang mas maliit na ahas.

Nung hapon, nag ala painting ang langit sa kakaib nitong kulay nung palubog na ang araw.




17 April


My go-to snack these days. Sawsaw sa spicy suka. Lagi itong nasa listahan ko ng to-buy pag pumupunta sa market. Tuwing hapon kasi ito ang kinakain kong miryenda. Hindi ako nagsasawa kahit araw-araw.


18 April


Balatung again, na may sahog na daing galing Palawan.


16 April

Today, naisipan kong maglakad naman kaunti para i-check kung makakapag-grocery ako sa Robinson's sa California Garden. Sa kanto ng 9 de Febrero sa tapat ng SPI ay may checkpoint, may dalawang sundalong nakabantay at noong dumaan ako, chineck nila ang quarantine pass at ang temperature ko. May mga mangilan-ngilang empleyado ng SPI na nasa labas. May pasok pa rin pala sila. May mga kainan din sa kanto na bukas pa rin. Sarado ang BDO doon banda.

Bandang alas nueve ako naandoon. Pagdating ko, ang haba na ng pila, umabot na sa entrance ng CGS. Sinilip ko na rin kung bukas ang Mercury Drug at LBC doon bilang may bilin ang aking kaibigan pero pawang mga sarado.

Naglakad ako pabalik. May mga nakakasalubong akong nakapamalengke na at nakapag-grocery na, marahil ay sa Barangka.

Sa palengke ng Barangka Drive, namili ako ng mga pagkain. Nakita ko sa Facebook ng Mandaluyong na by lettering na ang schedule ng pagbili sa palengke, unang letra ng apelyido. Magsisimula ito ngayong weekend pero hindi ko sigurado kung kasali ba ang maliit na palengke sa Barangka or iyong Kalentong Marketplace lang ang tinutukoy. Bumili pa rin ako ng sapat na makakain para sa dalawa hanggang tatlong araw. Wala kasi akong ref at kailangan ko ng gulay sa pagkain para sa panunaw kaya kailangan ko pa rin pumunta sa palengke every 2 to 3 days. May pila pa rin sa maliit na grocery doon. May pila pa din sa Mercury. Kaya sa mga tindahan sa loob ng palengke, sa South Star Drug (dahil mas maiksi kesa sa Mercury ang pila) at sa 7Eleven na lang ako namili ng mga ibang kailangan. Nakabili rin ng tissue! Ito talaga ang problema ko since last week. May facial tissue pa nama ako pero bumili na rin ako ng tissue dahil ito usually ginagamit ko pamunas sa laptop, etc. at sa umaga may tendency akong mag-sneeze dahil sa allergens kaya kailangan ko ng disposable pamunas sa mukha.

Sa 7Eleven, napansin kong may lalake na nagbubukas ng pintuan. Noon una akala ko ay inemploy sya ng tindahan mismo. Nung bumalik ako, saka ko lang napagtanto na kusa nilang ginagawa at nagbibigay na lang ng tip ang mga customers. Nung bumalik ako, iba na iyong nasa pintuan. Kung yung isang lalake ay payat na at hindi rin katangkaran, itong isa ay mas payat pa ang pangangatawan. Kanya-kanyang diskarte para kumita kahit barya-barya, mula sa mga bumibili na nakakapag-abot kahit barya barya.


15 April


My summer office. Sobrang init kailangan kong sa labas magtrabaho.

13 April

Tila ba ang arte ng dila ko lately. Kapag isang araw na nag ulam ako de lata na sahog ng gulay or as is, nasusuya agad ako. Kahit gusto ko pa sana matulog kanina dahil baka a las kwatro na ako nakatulog kagabi, kinailangan kong bumangon dahil baka tanghaliin ako at wala nang paninda sa palengke. Pagdating ko doon, may nagchecheck na nag quarantine pass.

Bali may access ako sa kalahati ng palengke, sa kalahati ay wala dahil ung mga nagchecheck ay nas akabilang kanto pa.

Nandun na lamang din ako, bumuili na lang din ako ng kung anong mabibili ko.

Pagbalik ko ng bahay, nagcontemplate pa ako saglt kung pupunta na ba ako sa barangay hall o ipagpaliban ko na muna total may nabili na akong pagkain. Ngunit hindi ako komporme na kulang kulang ung nabili ko. Nagbihis ako at naglakad papuntang barangay hall. Meron din mga nakapila sa harap na kukuha ng pass.

Mabilis lang naman. Inabutan na lang kami ng bakanteng form. Naglakad ako pabalik sa bahay para ibaba ung dinala kong barangay clearance na akala ko kakailanganin.  Pagkatapos ay naglakad papunta muli sa palengke. Isa na lamang ang nagchecheck ng pass. NAsa kabilang side ng kalsada, yung side kung saan hindi ako dumaaan.

12 April


Today's imbento ulam, ginisang kalabasa at native ampalaya with sardinas. Ginamitan ko ng Ligo sardines na in na in ngayon. Mas sanay ako sa ampalaya na native dahil mas common yan sa amin sa probinsya. Dito sa Kamaynilaan, dahil mas common yung mahabang ampalaya, madalas iyong ang nabibili ko, pero kapag may native na available at rasonable ang presyo, mas gusto ko ito. Iba ang pait, iba ang lasa. Dahil sa ginagawa ko ngayon sa trabaho, nalaman ko na mababa pala ang calorie content ng ampalaya. So mas lalo ko pa siyang na-appreciate ngayon. Marami pang health benefits!

8 April

Hapon. Lumabas ako sa kwarto at napansin ang isang aso sa labas ng gate, napatingin din sa akin. Nagmatiyag. Tila ba hinihintay niyang palayasin ko siya. Bumalik ako sa loob at kinuha ang buto-buto ng manok para ibigay dito. Paglapit ko pa lang sa gate ay tumayo na ang aso at tumakbo. Halatang takot sa mga tao. Sana ay makahanap pa rin siya ng magpapakain sa kaniya ngayong gabi.

6 April

Napanaginipan kong nasa "Taiwan" ako. Nasa ibang lugar ako para sa trabaho. Habang nag-iikot doon, may isang lugar, nasa gilid ng mga bundok, may ruins na made of bricks, na dati raw ay doon nag-stay ang isang grupo. May usok na lumabas sa bundok kaya natatakpan ng usok ang ruins. Kaya daw doon nagtayo ng ganoon yung grupo ay dahil kulto sila at sumasamba sila sa diyos nila, at nakaktulong sa pagsamba nila ang usok na galing sa bulkan (yung bundok ay bulkan).

4 April


Simple lang naman ang mga kaligayahan ko. Naisipan kong magtimpla ng tsaa, yung galing China na pasalubong ng coworker ko mula pa sa byahe nila doon last year. Dahil tag-init ngayon, sinubukan kong timplahan ng gatas (powdered milk lang meron ako), tapos dagdagan ng yelo. Ang saya ko dahil halos kalasa niya yung mga milk tea na nabibili sa labas! Humanda ang mga stock kong dahon-dahon, may paggagamitan na ako sa inyo.

Hindi ito ang unang beses kong gumawa ng sarili kong milk tea. Dati ang ginagamit ko ay yung Lipton yellow tea dahil yun ang okay ang lasa pag nahaluan ng gatas. Ubos na ang aking Lipton at marami na naman akong nakolektang mga tsaa mula sa mga ka-trabaho. Sinubukan ko rin dati na creamer ang panghalo, pero mas angat ang lasa kapag gatas ang hinalo, preferably fresh milk. Yung cravings kosa cookies ay pinunan na muna ng lengua de gato na galing sa Baguio.

April 3



Akala ko hindi ko kaya. Pareho lang din naman pala sa regular lutong adobo. Hindi ito ang unang subok ko. Nung isang araw ang unang luto ko at sa sobrang excited kong kumain ng tanghalian, di ko na kinunan ng documentation. Mukhang ilang araw din na ito ang uulamin ko ah. 😁

Adidas o chicken feet. Bihira lang magluto ng ganito ang nanay ko pero syempre mas gusto ko yung lasa ng luto niya, dahil may umami, charot. Iba pa rin ang lasa ng lutong ni mother.


Afternoon delight, tsaa from the motherland. Ginawa ko siyang milk tea.

Also, presenting my tea-ta supplies.




2 April



Nahihilig ako sa paglalagay ng kamote sa kahit anong lutuin ko recently. Bored na bored na siguro ako sa buhay at ang ulam na yan ay nilagyan ko pa ng oregano, dahil yun ang herb na meron ako. Hindi naman gaanong lumaban yung lasa kaya okay lang. Uulitin ko pa itong ulam na ito.


31 March


I thought I was having a bad case of acid reflux for the coffee I drank that morning/noon. But I just felt it doesn't seem like one. So I applied this ointment from Vietnam to my tummy. I had this for so long but it was my first time using it so I applied generously. After several seconds, ang init pala! But the good news it it worked and my stomachache disappeared in a few minutes. Kabag pala.

30 March


Thank goodness to this summer fruit! Growing up, di ako masyadong mahilig sa fruits, except mangga. I just recently developed a liking to bananas. Singkamas are in season and napabili lang ako minsan, hopeful na sana matamis siya. Tapos pala, a-araw-arawin ko na. Perfect sa mainit na panahon dahil for hydration din ito.


29 March



Ito talaga ang dapat lulutuin ko kahapon for long life~ pero tinanghali ako ng gising at mas mabilis lutuin ang instant pancit canton. Ang basic lang ng Spanish sardines pasta na ito. Lutong pasta tapos Spanish sardines. Yung na mismo, okay na sa akin. Sinubukan ko minsan haluan nung instant white sauce ng Clara Ole at hindi ko nagustuhan ang lasa. Kaya ngayon kapag gusto ko kumain ng pasta, para mabilis, ito ang niluluto ko. Isa ito sa mga nakuha ko sa kaibigan kong si No, masarap siya magluto ng ganyan. Hinahalo niya talaga yung sardinas para may lasa. Di ko sigurado kung meron pa siyang ibang hinahalo, pero mas masarap ang version niya.


28 March

Today's my birthday yet again. I woke up late because I went to sleep at around 4am. Before starting to work, I whipped a quick breakfast of instant pancit canton, fried egg, kangkong leaves, coffee and monay (not in photo).



Yes, it's Saturday and also my birthday, but my coworker sent a long e-mail and I felt like doing some of the instructions already.

I planned to go home in the last week of March time for the late sister Ivy's death anniversary and my birthday, which are just a day apart. But then lockdown happened. I can't even remember the last time I was home for my birthday.
I was optimistic that the travel ban will be lifted after two weeks. But every day, the number of infected with COVID-19 in the Philippines keeps increasing by hundreds. I am slowly conditioning myself that this lockdown will be extended.

I can't hardly sleep these days due to anxiety, thinking that any day I might contract the virus. I try to stay away from Facebook which is the ultimate source of all chaos. I am grateful to friends whom I regularly talk to.

I just hope my family in Cagayan is eating well.


27 March

Leftover fried chicken sitting in diced potatoes and sweet potatoes for imbento lunch. To be fair, I loved this combo!



Whenever I take a break, this is usually where I go to. Dito ako nag-e-explore, haha. I'm proud to say that I almost have zero waste these days, yun ay dahil the food scraps from vegetables I cook, I put them in the pots of plants as fertilizer--seeds, stems, peelings--I think that's also the reason why birds this has become somehow a "sanctuary" for birds. I noticed maya birds keep coming back to this part, where there are seeds and even leaves to be picked. I just leave them alone. I actually like listening to bird sounds. It makes me calm, happy even.



26 March


Gave in to coffee today. I have a love-hate relationship with coffee. I try no avoid it because I don't want to depend my productivity with the fake energy coffee brings. But there are days when I just give in. Anyway, it's not every day that I get to do it.


24 March


These are dried mangoes from Laos. This is actually a big sheet but I cut it to fit into this container. I was supposed to throw it out when I tried tasting it and didn't like it. But I just kept it. And one time I was making a banana shake and since I usually only put a small amount of sugar or none at all I tried putting in these to make it sweeter and it worked! It made the shake sweeter and better. Good thing I wasn't quick to throw this out. They did not go to waste after all.


23 March

A las otso y media na ako bumangon. Pumunta ko sa palengke bandang alas nuebe. Nagulat ako na sarado ang mga tindahan. Sa isang tindahan, nakita kong pinagbilhan ang isang ale kaya lumapit ako. May tumigil na naka-motor, nagtanong sa tindera kung pwede na ba bumili. Alas dies pa daw sial magbubukas. Binalik ko ang tali ng kangkong na bibilhin ko sana. At naglakad pabalik ng bahay. Lumabas na lang ako ulit ng alas dies. Ang mga tindahan ng karne, gulat atbp. may mga karatulang nakapaskil kung anong oras lang sila bukas: 5am to 8am, 10am to 2pm at 5pm to 8pm. Huling namalengke ako tatlong araw na ang nakakalipas at wala pa noon ganitong polisya. Sa susunod na punta ko ng palengke, goal ko na magising na lang nang maaga dahil ang sa schedule na 10am to 2pm, maraming taong namimili.



Ang lakas maka-farm-to-market-to-table nito. Or maybe tinamad na yung mga nag-harvest na "linisin" yung crops. Anyway, this way, mas madali siyang bitbitin. Pang-balanse sa dala ko sa isang kamay na bag na laman ang mga pinamalengke ko, sa isang kamay naman itong singkamas.


20 March


First time to cook balatung (monggo). Hinulaan ko lang paano siya lutuin. Edible naman. Will probably cook again tomorrow.


19 March

Nakakita ako ng litrato ng tinapay sa Instagram kaya lumabas din ako para tingna kung bukas iyong bakery sa kanto. Bukas naman pala sila at meron pa silang pandesal. Bumili na rin ako ng ibang tinapay pang-merienda dahil ilang araw na akong naghahanap ng tinapay pero iniiwasan ko ngang lumabas ng bahay kahit pa ilang metro lang ang layo ng bakery.


18 March

First order of the day: maglaba.

Bandang tanghali, lumabas ako para i-check kung meron pa sa mga botikang malapit ang nagbebenta ng Vitamins. Wala na. Pawang mga ubos. Bumalik akong may bitbit na isang tali ng singkamas na nabili ko sa halagang sisenta.

Nakikinig na ng radio drama ang mga kapitbahay.

Bandang hapon, sumilip ako sa labas ng gate at may nakita akong sundalo sa talyer sa kapitbahay. Di ko alam kung may pinapaayos o andun siya para manita. Napansin kong bukas ang mga streetlight.



17 March

Nagising ako ilang minuto bago mag a las siete ng umaga. Lumakad ako kaagad papunta sa malapit na grocery. Maswerte ako na ang tinitirhan ko ay isang minutong lakaran lang sa mga pamilihan. A las siete nagbubukas ang grocery na iyon pero nag-adjust na pala sila ng oras, nagbukas sila ng 6:30 marahil dahil sa dagsa ng mga mamimili. Pagdating ko doon ay may pila na pero hindi pa naman mahaba. Ganun ang pila sa regular na araw doon dahil maraming namimili na mga pang-sari sari store.


Namili ako ilang food items. Sapat para sa isa hanggang dalawang linggo kung hindi ako makakalabas. Meron pa naman din akong kaunting supply dati pa. Habang nakapila sa checkout counter, may dumating na dalawang sundalo at sinabihan kami na huwang magdikit-dikit, "one meter" apart dapat. Mahigit isang oras din ako sa pila.  Bukas pa ang wet market so namalengke din ako ng bigas at lulutuing ulam.

Pagbalik ng bahay, may naka-schedule pala na skype meeting ng opisina. Saktong sakto pagbukas ko ng laptop, tumatawag na sila. Umabot ng tatlong oras ang meeting.


16 March

Lalabas sana ako para magbangko, pero bago pa man makalabas ng bahay, naalala kong marami palang tao sa bangko pag Lunes na. Bukas na lamang ako lalabas para sa lahat ng mga dapat kong gawin.

Hapon, nagsilabasan ang mga balita sa social media na maglalabas ng bagong guidelines sa community quarantine. Marahil resulta ng nakita ng mga opisyal na marami pa rin taong nasa labas, mga pumasok sa kani-kanilang trabaho, nagdeklara sila ng "enhanced community quarantine". Sa ECQ, buong Luzon na ang kasama at isasara na nang tuluyan ang kamaynilaan sa lahat ng papasok at palabas. Ang mga nais umalis ng Luzon ay binigyan ng 72 oras para makalipad mula sa mga paliparan sa labas ng Metro Manila.

Iniisip ko kung hahabulin ko pang mamili ng pagkain dahil di ko sigurado kung bukas pa ang mga pamilihan kinabukasan. Alas sais na noon at may curfew sa Mandaluyong ng alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga. Kung mahaba ang pila sa mga grocery, baka abutan ako ng curfew. Minarapat kong ipagpabukas na lang ang pamimili. Hindi naman siguro ipapasara ang mga grocery dahil pangunahin siyang pangangailangan.


15 March

Unang araw ng community quarantine sa buong ka-Maynilaan. Nasa bahay lang ako buong araw.


14 March 

Pumunta ako sa opisina para kunin ang external hard drive. Naisip ko baka mahirapan akong lumabas kinabukasan pag simula na ng quarantine dahil baka may mga checkpoint.


13 March

Maaga akong nagising at naghanda upang lumabas. Pupunta sa Florida para bumili ng ticket. Pagkatapos ay pupunta sa opisina para kunin ang external hard drive. Pero wala pa talaga ako sa wisyo na umuwi. Nagdesisyon na akong manatili sa Maynila sa duration ng community quarantine.

Maya-maya nagtext ang nanay ko, umuwi na lang daw ako. Nag-a-alala sila marahil dahil sa mga nakikita nila sa balita. Iniisip nila na malala na talaga ang sitwasyon dito.

Para sa ikakapanatag ng loob namin pareho, pumunta ako sa Florida. Kung may makuha akong tiket, uuwi ako. Pagdating ko sa terminal ay may mahabang pila. Wala nga palang pasok ang mga estudyante, malamang nagsisisuwian din sila.


Bumalik na lang ako. Dumaan sa Philhealth para magbayad. Ang mahal ng Philhealth! Ayoko sanang bayaran pero para sa ikakapanatag ng loob ko, sa panahong ito, sige na lang. Hopefully, di ko magamit.



Popular Posts