Mandaluyong on Lockdown

25 April. Nangati paa ko. Sa totoo lang kahapon pa. Kahapon, alas singko, naisipin ko biglang maghanap ng Villarica para magpapalit ng pera. Ang nakikita ko sa Facebook nila, bukas ang branch sa Kalentong mga 20-30 minutes na lakad siguro. Bago ito, naglaga ako ng itlog at nagluto ng pancit canton, dahil bored na naman ako. Itinabi ko iyon at nagdecide na lumabas muna ako. Buong araw rin akong na-bad vibes dahil nga extended na naman ang ECQ. Nakabihis na ako nang maalala ko na hanggang 7pm lang pala ang nakalagay sa Q pass. Di ko alam kung gaano sila kahigpit sa pag-implement, pero minabuti kong ipagpabukas na lamang ang pagpunta sa Villarica.

Ito na nga, nilakad ko mula San Rafael papuntang Kalentong. Curious din kasi ako kung ano itsura ng F. Martinez at Shaw sa panahong ito. Sa Martinez halos walang nagbago, ganoon pa rin, marami pa rin tao sa labas kasi palengke ang halos buong stretch na iyon ng kalye. Pero sa isang side lang pwedeng maglakad, yung side ng palengke ay para lamang sa mga namamalengke.

Sa barangay Addition Hills, na andito banda, ang may pinakamaraming cases ng COVID-19 sa Mandaluyong. Bawat iskinita sa bandang ito, papasok sa mga kabayahan ay may blockade, may mga nagbabantay din.

Ngunit ano't ano pa man. Ang dumi-dumi pa rin ng sidewalk. Nakipagpatintero pa rin ako sa mga tae ng aso. Yung iba di ko pa rin masabi kung tae ng hayop o tao. Dito ako dumadaan noon pag papasok sa TESDA, at ganito na siya, madumi. Inexpect ko naman na dahil panahon ng sakit ay nililinis namna sana nang regular. Hindi ganoon ang sitwasyon.

Inabot ako ng 45minutes para makarating sa Kalentong. Sarado iyong sadya ko. May isa pa sanang branch doon sa dulo, pero tinamad na ako. Naglakad na ulit ako pabalik. Sa bandang Acacia Lane, may bukas na TGP na walang pila at naalala kong bumili ng alcohol. Meron sign sa labas ng tindahan na available ang face mask at alcohol. Pagpasok ko, ang alcohol nila ay yung isang malaking gallon na nagkakahalaga ng mahigit P500. Siyempre, naunahan na naman ako ng katamaran. Bibitbitin ko iyon pauwi? Ang init at nasa kalahati pa lang ako ng kailangan kong lakarin. Bumili na lamang ako ng Berocca.

Nung malapit na ako sa San Rafael, tinanong ako ng isang bantay sa may tawiran kung saan daw ako pupunta. San Rafael, sagot ko. Nagtratabaho daw ba ako doon. Sabi ko doon ako nakatira. At pinadaan na ako. So may mga random nagchecheck nga. Di ko tuloy alam kung maiisip ko pa ulit mag-explore next time sa side na ito since may mga random nagtatanong pala sa daan.

May pila sa mga money padala at sa mall/grocery sa Shaw, sa Mercury din. Bukas ang mga fastfood for delivery.





Popular Posts