Manang Pats

Kumusta na kaya yung mga kaibigan kong nakilala ko sa Manang Pats nung bagong salta pa lang ako sa Baguio?

Charot! Kwento. Bagong salta pa lang ako sa Baguio. May isang kainan/karinderya doon na apparently ay popular sa mga taga-UP Baguio, ang pangalan ay "Manang Pats", although diko maalala na mayroon ganung sign doon sa labas. Malapit ito sa University of Baguio at sa isang branch ng Tiong San.

Dinala kami ng roommate namin sa BREHA na si Ate Che, excited syang dahilhn kami doon kasi okay daw ang pagkain doon specifically pork steak saka mura. Bilang tag-tipid ako dahil di ako yayamanin, sige go. Although na-feel ko noon na parang may something, kasi yung isang roommate namin, hindi siya masyadong fan doon, pero alam niya rin ang kainan na yun.

So anyway, nung pangalawang beses na kakain ako, si Lian na lang kasama ko. Nahanap naman namin yung lugar, natandaan naman namin agad.

Syempre usual order, pork steak at rice. Nasa kasarapan kami ng pagkain nang biglang may humawak sa ulo ko, yung buong palm c-in-up yung head ko. At tinawag ako sa isang pangalan, "HERA" at mukhang ka-close nila ako. Syempre gulat ako. Nagtaas ako ng ulo at tumingin kay Lian, na siyang nakaharap doon sa grupo na bagong pasok, mukhang magkakaibigan. "Andito ka pala," sabi pa nung lalakeng humawak sa ulo ko. Si Lian nakatingin lang din dun sa lalake. Later on, sasabihin niyang kung ano raw ang gulat ako, doble sa kanya dahil iniisip niya kakarating lang namin ng Baguio, saan ako nakahanap ng kakilala agad.

Nag-angat ako ng ulo at tumingala sa nakahawak sa ulo ko. Nadiscover nilang hindi ako yung friend nila at syempre sorry nang sorry. Akala daw talaga nila ako yun.

At isa lang ito sa mga stories ng mga naeenounter ko na nagsabing may mga kakilala silang kamukha ko. Ang common ng face ko!

Eventually, ang Manang Pats ay naging Kislap. Pero wala na rin yata ngayon, may iba na yatang nakatayo doon.

May isa pa pala akong kwento dito. Minsan Panagbenga season, ewan ko naman ano'ng pumasok sa isip namin nina Lian na mag Manang Pats eh may parada sa Session Road. Hayun, nagkahiwa-hiwalay kaming magkakasama sa dami ng tao sa overpass. Wala yata sa amin nakarating sa Manang Pats. Sa iba-ibang lugar na lang kami kumain.

Popular Posts